Luis Manzano explains why he's not in ABS-CBN Christmas station ID

IMAGE Noel Orsal

Luis Manzano on recent trip to Okinawa, Japan with girlfriend Jessy Mendiola: "Ang sarap! Nag-Okinawa kami. Dinalaw namin yung sister niya who is now based there, because her husband is from the navy."


Hindi napasama sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa 2018 ABS-CBN Christmas station ID dahil kasabay ng shoot nito ang pagbabakasyon nila sa Okinawa, Japan.

Ilan lang ang magkasintahan sa mga artistang hindi nakita sa Christmas station ID, kasama sina Sharon Cuneta, Julia Montes at iba pa.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa Kapamilya TV host nung nakaraang Linggo, November 18, sa set ng ASAP Natin 'To, binahagi nito na naging masaya ang bakasyon nila ng girlfriend kunsaan pormal na rin niyang nakilala ang kapatid nitong babae na naka-base sa Japan.

Kuwento niya, "Ang sarap! Nag-Okinawa kami.

''Something different, kasi nakakasanayan is Tokyo or Osaka.

''Sobrang relaxed. Dinalaw namin yung sister niya who is now based there, because her husband is from the navy.

''Five years mula noong huli silang nagkita, so happy ako na naging part ako ng reunion na yun.

"Ang sarap, kasi nakilala niya yung pamangkin niya.

“Actually, her name is Jasmin, but Oli din natatawag ko sa kanya.

''Ang sarap lang nilang panoorin.

'''Ako nga, I was happy to take a step back and let them bond.

''Hindi yung kaming dalawa magbabakasyon palagi.

''Ang mahalaga is, 'Today magkita kayo, enjoy.'

'''Ako I'll be more happy to work around your schedule basta magkasama kayo.'"

Agad naming kinumusta ang pagme-meet nila ng kapatid ni Jessy at kung naramdaman ba niyang boto ito sa kanya?

Lahad niya, "I'd like to think na okay kami.

''We enjoyed, we got along well.

''Natatawa naman kami sa isa't isa and I got along also with the husband who is also a great guy.

''Nagku-computer nga kami, pinu-post pa yung mga IG stories namin.

''Safe to say naman I got along with that side of her family."

TRAVEL AS GOOD BONDING ACTIVITY

Marami sa magkakarelasyon ang nagsasabing mas nakikilala nila ang isa't isa pag nag-a-out of the country sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagsang-ayon ni Luis, "Oo naman!

''Para sa akin kasi, yung comfort level mo bumababa, e.

''Hindi yung palagi ka na lang ready.

''Kasi siyempre, pag nai-stress na kayo sa travel ninyo o kaya minsan ang dami ninyong pinagdadaanan, lumalabas kahit papaano yung tunay mong pagkatao.

''Para sa akin, travelling really helps in terms of getting to know someone."

Ayon nga kay Luis, masaya siya na steady at lalong lumalalim at tumitibay ang relasyon nila ni Jessy.

Pahayag niya, "We're very happy.

''Sabi ko nga, progress yun na I got to meet the family na rin.

''We're very thankful na we're taking everything step by step.''

MINUTE TO WIN IT

Napapanood si Luis sa I Can See Your Voice tuwing weekends, pero sa pagbabalik sa ere ng Minute To Win It ay mapapanood na muli gabi-gabi si Luis.

Sabi niya, "Yes, magbabalik ang Minute To Win It, malapit na malapit na.

''Marami ang nagre-request ng Minute To Win It, so we're very thankful na heto na yung hinanda namin.

''We promise the biggest stars, Kapamilya players, and may bagong aspeto na ang Minute To Win It, dadalhin namin sa inyo.

''Pupunta kami sa mga area ninyo na puwede pa rin kayong manalo ng two million pesos.

"Ang mga games din namin, puro bago.

''Kasi ang mga games namin, bugbog yan sa mga Christmas parties, mga birthday, mga ganyan.

''Promise, mayroon kaming mga bagong games para sa inyo na yun naman ang gamitin nyo sa mga party ninyo."

HAPPY FOR REGINE

Marami ang nagulat nang kumanta sa opening production number sa ASAP Natin 'To si Luis.

Masaya at welcome na welcome naman sa TV host ang pagpasok ni Regine Velasquez sa show.

Paliwanag niya, "Ano lang naman yun, just to create the familiarity sa mga kasama natin sa ASAP Natin 'To.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

''Don't worry, di po ako magtatagal sa mga opening prod, mga ganyan.

''Kumbaga, sinisimulan lang namin ito.

"Ganun naman talaga.

''In terms of shows, nangyayari naman talaga na nagre-reformat ng concept, ng theme, and we've always thought naman that Ms. Regs deserves to be in ASAP.

''Nababalitaan nga, parang everyone is excited.

''I'm sure naman si Ms. Regs, yan yung isang talent, pag may ganyan kang talent, kahit Kapamilya ka or Kapuso ka, welcome na welcome ka...

''All networks, kapag ganyan kagaling ang isang tao."

TREATS ALEX LIKE A SISTER

Very close si Luis kay Alex Gonzaga, at sa pagkagrabe ng biruan nila madalas, iniisip ng iba na baka nagkakapikunan sila minsan.

Siniguro naman sa amin ni Luis na kahit na magkapikunan man sila minsan ni Alex ay nandun lagi ang pagiging magkaibigan nila.

Aniya, "Sabi ko nga sa kanya a few days back na magkasama kami, the reason why siguro mahal na mahal ko siya is because I see my sister in her.

''Si Adi, my sister, is in the States.

''For some reason, pag nakikita ko si Alex, nakikita ko yung kapatid kong babae.

''That's why siguro yung attachment ko sa kanya, iba.

''In fact, bukas after this interview we're going out of the country, may trabaho kami, so dapat ninyong abangan kung para saan yun.

"Kahit na anong asaran namin, kahit anong pikunan namin na mukhang napipikon kami, rest assured na nandun kami para sa isa't isa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN