Solenn Heussaff alone again on Christmas

IMAGE Noel Orsal

Solenn Heussaff explains why she and hubby Nico Bolzico have to be apart again this coming holiday season: "Nico kasi has this tradition with his family that they have to spend Christmas together. In my case kasi, natataon na I have a teleserye every holiday season."

 


Four years na raw hindi nagkakasama ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico tuwing sasapit ang Pasko.

This Christmas daw ay hiwalay na naman sila ni Nico dahil lilipad ito papuntang Argentina para makasama ang pamilya nito sa kanilang traditional Christmas celebration.

Maiiwan si Solenn sa Pilipinas dahil bukod sa kanyang teleserye na Cain at Abel, may iba pa siyang mga nagiging trabaho tuwing Christmas.

Kaya muli na naman niyang makakasama sa Pasko ang kanyang pamilya sa Forbes Park.

“Nico kasi has this tradition with his family that they have to spend Christmas together.

“Everyone in his family should be present.

“In my case kasi, natataon na I have a teleserye every holiday season.

“And the production gives us only one week lang for vacation. Then we all have to be back taping after.

“It takes two days to fly to Argentina and five hours drive to get to Nico’s family house.

“So matitira lang sa akin is like three days na lang.

“So parang sayang lang yung pagod ko if I only get to stay for three says there.

“Gusto ko kasi if I fly to Argentina, at least one week ako doon para sulit yung biyahe.

“Like last October, I was there for ten days straight.

“I reallly like it there kasi tahimik doon sa place nila Nico.

“They live on a farm kaya they eat steak morning, noon and night!

“Kaya si Nico, I call him a stud kasi he can eat a whole cow!" tawa pa ni Solenn sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa media launch ng Cain at Abel sa Prime Hotel, Quezon City.

X'MAS WITHOUT NICO

Kaya nakakaramdam daw ng lungkot si Solenn every Christmas kasi nami-miss niya ang pagiging makulit ni Nico.

“Nico has this weird sense of humor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I've been a victim of Nico's pranks na minsan it goes overboard talaga.

“I do get a little annoyed pero we just laugh it off kasi that's him.

“Yan ang lalakeng pinakasalan ko kaya wala kong choice,” tawa pa niya ulit.

BABY PLANS

Sa usaping baby naman, unti-unti na raw nilang pinaplano ang magkaroon ng baby nila dahil may sarili na silang bahay.

Lahad niya, “Yun naman ang naging agreement namin ni Nico. No baby hanggang wala pang bahay.

“Now we already have our own house and there are plenty of rooms.

“So may isang room doon for a nursery.

“We want two kids. One boy and one girl.

“Sana twins na sila para isang pregnancy na lang, di ba?

“Kaso wala sa family namin ang may twins. Kahit sa family ni Nico, wala rin."

CUSTOMIZED CARPETS BUSINESS

Nagsimula naman ng bagong negosyo si Solenn na may kinalaman sa mga carpet.

Part daw ito ng home and lifestyle line na ilu-launch niya very soon.

Ang kakaiba raw sa mga carpet ni Solenn ay one-of-a-kind ito at magkakaroon ito ng collaboration with her own art.

“It's like a special kind of carpet and it will involve my love for art.

“If my buyer have kids, they can do some drawings of things they like to see on their carpet.

“I will then redo that and take special details from their drawings para yun ang maging design sa carpet nila.

“It's two-in-one na. May maganda na silang carpet plus an original artwork from me,” pagmamalaki ni Solenn.

REVIVING HER SINGING CAREER

Gusto ring balikan ni Solenn ang pagkanta dahil isa ito sa gusto niyang gawin noong hindi pa siya nagiging artista.

Kaya magkakaroon daw siya ng isang acoustic session para muling ipakita ang talento niya sa pag-awit.

“I've been busy doing my art and doing my shows for GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakalimutan ko na ang favorite kong gawin which is singing.

“So I will have an acoustic session, for 10 or 15 people lang naman, tapos kakanta ulit ako.

“Parang chill lang kasi hindi naman ako bumibirit. Parang Solenn Unplugged.

“I just miss it and para maiba lang sa mga ginagawa ko lately,” pahayag pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN