Aicelle Santos surprises Mark Zambrano by coming home unannounced

IMAGE Instagram

Nanlaki ang mga mata ni Mark Zambrano nang makita ang fiancée niyang si Aicelle Santos sa labas ng kanyang bahay. Umuwi si Aicelle ng Pilipinas mula sa London nang hindi niya sinasabi kay Mark.


Kitang-kita ang gulat sa mukha ng dating GMA News reporter Mark Zambrano nang sorpresahin siya ng kanyang fiancée na si Aicelle Santos sa pagbabalik nito sa Pilipinas noong November 23.

Hindi pinaalam ng Kapuso singer-actress na darating siya dahil may one-week break sila ngayon sa UK tour ng musical na Miss Saigon, kunsaan gumaganap bilang Gigi Van Tranh si Aicelle

Sa video na ipinost ni Aicelle sa Instagram, makikitang nanlaki ang mga mata ni Mark nang makita nito si Aicelle sa labas ng bahay niya.

Sabi ni Aicelle kay Mark: "I'm here, I love you!"

Gulat na sagot ni Mark: "What's happening? Wait!"

Mainit na yakap at halik ang ibinalik ni Mark sa sorpresa na ito ni Aicelle.

Heto ang caption ni Aicelle sa video post niya sa IG:

"It's my turn to surprise him! Love the look on your face mahal! Mahal na mahal po kita! #weekoff #home
Salamat kay kuya airport cab driver for capturing this moment."

Kung matatandaan, noong July 2018 ay sinorpresa ni Mark si Aicelle sa pagpunta nito sa London.

One week din ang naging bakasyon ni Mark sa London para makasama ang kanyang fiancée.

Na-engage ang dalawa noong March 2018.

Noong November 20 naman ay nag-post si Aicelle sa IG ng final show ng Miss Saigon sa United Kingdom.

Susunod daw na tour nila ay sa Switzerland at Germany.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN