Vice Ganda spotted partying with Calvin Abueva in Boracay

IMAGE @buernrodriguez / @jaaahzz on Instagram

Vice Ganda was spotted partying with rumored beau/PBA player Calvin Abueva at Club Summer Place in Boracay on Saturday, November 24.


Kasamang nagbakasyon ng TV host-comedian na si Vice Ganda ang PBA player na si Calvin "The Beast" Abueva sa Boracay.

Kagabi, November 24, namataan sina Vice Ganda at Calvin sa Club Summer Place sa Boracay kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.

Kasama ng It’s Showtime host ang kanyang inang si Nanay Rosario, ang pamangkin niyang si Camille Viceral, hairstylist na si Buern Rodriguez, at ang celebrity fashion designer na si Anthony Ramirez.

Sa naunang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vice, inamin nitong natutuwa siya dahil "proud" si Calvin sa kanilang pagkakaibigan.

Aniya, "Ngayon lang naman ako nagkaroon ng lalaking kaibigan [na] proud sa akin na ganyan.

"Kasi dati, siyempre gusto ko rin naman ano... ako, proud naman ako sa lahat ng mga naging kaibigan ko, pero siyempre prinotektahan ko din naman sila.

"Kung hindi sila kumportable sa ganun, e, di ibibigay ko. Ayoko naman silang ma-pressure, e.

"Kung hindi ganun ang pananaw nila, I cannot impose, e.

"Si Calvin kasi ano siya, wala siyang pakiaalam. Open siya, e.

"Alangan namang ako pa yung umarte, ako pa yung magtago?

"Baka batukan niya ako, ‘Ano, ikinahihiya mo ako?’

"Di ba? E, proud siya sa akin na kaibigan niya ako, e, di mas proud ako na kaibigan ko siya."

Nang tanungin kung exclusively dating ang dalawa, sagot ni Vice, "E, hindi kami exclusively dating, hindi kami ganun.

"Masaya kami, oo. Basta masaya kami kung anong meron ngayon, masaya lang kami."


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN