Daniel Padilla flattered by Regine Velasquez's kind words

IMAGE @starcinema on Instagram

Daniel Padilla (shown with girlfriend Kathryn Bernardo) on being personally chosen by Regine Velasquez to be one of her guests for her Regine at the Movies concert series: "Ako very thankful and touched na napili din ako ni Tita Regine, lalo na ngayon na nagbabalik siya dito sa atin. I'm very excited."


Sa pagbabalik-Kapamilya ni Regine Velasquez, isa sa pangalang binabanggit niya na gusto niyang makasama sa isang proyekto ay si Daniel Padilla.

Kuwento nga ng Asia's Songbird sa nakaraang presscon niya sa ABS-CBN, napanganga siya sa husay at sa charm ng Kapamilya actor nang mag-perform ito sa nakaraang 2018 ABS-CBN ball.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Daniel nung nakaraang Linggo, November 18 sa ASAP Natin 'To, excited at proud naman ang aktor dahil siya pala ang special guest ng Asia's Songbird sa third installment ng concert series niyang Regine at the Movies sa November 25.

Pag-amin niya, “Yes, at magkakaroon kami ng pagkakataon.

“Ako ay inimbita ni Ms. Regine para kumanta sa kanyang concert at ako ay napaisip kung tatanggapin ko hindi dahil ayoko pero dahil kinakabahan ako.

“Alam ninyo naman ako pagdating sa kantahan lalo na pag kasabay si Ms. Regine.

“Lagi akong kabado kasi feeling ko lagi akong magkakamali.

“Ayokong magkamali.

“The tendency is magkakamali ako, dahil gusto ko pag sila ang kasama ko, perfect lang.

“Yeah, I'll enjoy this.

“Ako very thankful and touched na napili din ako ni Tita Regine, lalo na ngayon na nagbabalik siya dito sa atin. I'm very excited.”

FLATTERED BY REGINE'S KIND WORDS

Touched na touched naman si Daniel sa mga papuri sa kanya ni Regine sa nakaraang welcome presscon nito sa ABS.

Lahad niya, “Alam mo, sinabi niya yan sa akin.

“May 20 minutes kaming masinsinan na usapan nung nasa Australia kami.

“Binato niya lahat sa akin yan. Tulala ako.

“Sabi ko, sino ka ba para humindi kay Ms. Regine?

“Yes I'll do it, siyempre para sa kanila ni Tito Robin [Padilla].”

Tinanong din namin si Daniel kung bukas ba siyang makasama din sa isang pelikula ang singer/actress.

“Oo naman, walang problema.

“Siyempre makakasama mo hindi lang isang Asia's Songbird, hindi lang siya singer kungdi isang artista rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para makasama si Ms. Regine Velasquez is really an honor,” pagmamalaki niya.

PROUD OF KATHRYN'S NEW MOVIE

Proud na proud naman ang aktor sa bagong pelikula ng girlfriend niyang si Kathryn Bernardo, ang Three Words To Forever, kunsaan kasama nito sina Sharon Cuneta at Richard Gomez.

Aniya, “Very proud ako actually sa buong cast, sa aking nobya na si Kathryn, kasi nakita natin yung trailer.

“Talagang pamilya, puso. Nakakapanibago.

“Parang bumalik nung nagsisimula na naman akong mag-artista.

“Parang nanonood lang ako ng mga trailer kasi noon may mga pelikula na di naman ako kasama.

“Nakakapanibago pero very excited ako sa movie nila at sa ipapakita nila sa mga tao.”

STAGE BOYFRIEND FOR NOW

Kung ang girlfriend ay abala sa promo ng Three Words To Forever, ine-enjoy ni Daniel na naghihintay muna siya ng pagdating ng tamang proyekto para sa kanya.

Biro nga sa amin ng aktor, stage boyfriend muna siya ni Kathryn ngayon.

Pahayag niya, “Wala pa akong gagawin.

“Dito lang ako tuwing Linggo sa ASAP, dito lang ako lagi.

“Ito ang bagong stage ng buhay ko ngayon, nag-a-ASAP na lang ako, tamang stage boyfriend na lang ako kay Kathryn.

“I love this life, guys. I enjoy it very much.

“Sa ngayon, pahinga muna ako saka naghihintay pa ako ng project na napi-feel ko na gusto kong gawin.

“This time suporta muna tayo kay Kathryn, kay Ma'am Regine at sa bagong proyekto ng ASAP.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN