Edu Manzano defends flash mob at Teejay Cruz's last day of wake

IMAGE Noel Orsal / @djanincrus on Instagram

Edu Manzano on Tirso Cruz's family: "A wonderful family lost a member at the tender age of 37. I join them as they celebrate his life."


Dinepensahan ni Edu Manzano ang mga pambabatikos sa pamilya ni Tirso Cruz III sa paraan nila kung paano gawing espesyal ang huling lamay para sa yumao nitong panganay na anak si Teejay Cruz.

Sa kanyang Instagram post kahapon, November 25, pinuri ng Ang Probinsyano star ang ipinakitang katatagan ng pamilya ni Tirso kahit masakit ang pagpanaw ni Teejay.

Sabi ni Edu sa kanyang post, “A wonderful family lost a member at the tender age of 37.

"I join them as they celebrate his life. #tirsoandlynn #godslove #family @sparkforhope #lynncruz525 #celebration.”

Ngunit may ilang netizens na tila hindi nagustuhan ang pag-alay ng sayaw at kanta ng pamilya Cruz para kay Teejay.

Anila, naging celebratory mood ang huling pagbibigay-pugay nila sa namayapang si Teejay, kung saan sinayaw at inawit ng pamilya, sa pangunguna ni Tirso, ang worship song ni Hezekiah Walker na "Every Praise."

Si Hezekiah ay isang sikat na gospel song composer sa Amerika at pastor ng Love Fellowship Tabernacle megachurch sa Brooklyn, New York.

Sabi ni @charmainedee10, “Para s amin d magndang tingnn n nagssaya ung parents ng namatay.... d ba sila nagmomournd?!?!! parang ok lang ?:(:(it’s not really ok.”

Tugon dito ni Edu, “We all choose to mourn in our own way. Hindi natin alam kung ano ang wishes ni TJ.”

Ayon naman kay @liza_aragon, “Christian din ako and I agree na at peace na ang mahal nila sa buhay to give praise to God, pero marami namang praise songs na hindi kailangang magsasayaw, yung mellow to show na they are also mourning, walang masamang mag praise pero hindi rin inalis ni Lord sa atin ang mag mourn para sa mahal natin sa buhay na yumao, hindi ko kayang gawin yan in all honesty and God comforts those who mourn, may right time to mourn and right time to party, it’s ok to celebrate his life with Jesus pero its also ok to be human and show pain for losing him at such an early age of 37.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot dito ni Edu, “The family I’m sure has cried much and felt much mula ng ma-diagnose si TJ.

"I leave it to the family to choose how to celebrate his life.

"As a parent I know the family will continue to carry TJ in their hearts every waking day."

Sinagot naman siya ng nasabing netizen na, “@realedumanzano well said, I agree.”

Sabi naman ng Kapamilya actor, “I don’t judge people.

"It was an observation and we’re all entitled to our opinion.

"I respect you for voicing out yours. Have a great week."

Humingi naman ng dispensa ang nasabing netizen dahil sa kanyang mga komento, at nilinaw na wala siyang masamang intensiyon. 

 

MELISSA MENDEZ WANTS SAME FOR HER

Samantala, pabor naman ang aktres na si Melissa Mendez na gawin ang nasabing paraan ng pagbibigay-pugay sa kanyang lamay sakaling pumanaw na siya.

Sabi niya kay Edu, “on the last day of my wake when I die I like this, to celebrate my life knowing that I’m with Jesus and run a good fight, kept the faith and finished the race.

"This is exactly what I wanted.”

 

Namatay si Teejay Cruz noong November 21, Miyerkules.

Siya ay nakipaglaban sa sakit na lymphatic cancer sa loob ng anim na buwan, ngunit binawian din siya ng buhay sa edad na 37.

Kahapon, November 25, na-cremate na ang mga labi ni Teejay.


Stories We Are Tracking

Tirso to late son Teejay: Missing you so much. We love you.
Tirso to late son Teejay: Missing you so much. We love you.
Lynn misses son Teejay; posts video of their Japan trip
Lynn misses son Teejay; posts video of their Japan trip
Tirso Cruz III's son Teejay dies at 37
Tirso Cruz III's son Teejay dies at 37
Bodie Cruz posts farewell message to brother Teejay
Bodie Cruz posts farewell message to brother Teejay


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN