Netizens ask where James Yap is in Michela Cazzola's recent Instagram posts

IMAGE @michelacazzola on Instagram

James Yap's Italian girlfriend, Michela Cazzola (right), responds to netizens asking why her recent Instagram posts do not include James.


Palaban ang mga sagot ni Michela Cazzola sa mga makahulugan o kaya naman ay nang-iintrigang komento ng ilang netizens.

Napansin kasi ng netizens na puro mga picture ni Michela at ang panganay na anak na si MJ ang nakalagay sa recent Instagram posts ng Italian girlfriend ng PBA player na si James Yap.

Hindi nila kasama si James at ang bunsong anak.

Naglakas-loob na magtanong ang isang netizen kung bakit hindi kasama sa mga Instagram post ni Michela si James at ang kanilang pangalawang baby na isinilang nito lang June.

Diretsong sagot ni Michela: “because I post what I want to post [smiling emoji]”

May netizen na nagtanong kung sino ang kumuha ng larawan nina Michela at MJ.

Sagot ni Michela: “a very good photographer [heart emoji]”

Pero hindi rito nagtapos ang pang-uusyoso ng ilang netizens.

May mga sumunod na nagkomento na ipinapahiwatig na may problema sa relasyon nina Michela at James.

Balik-tanong ni Michela sa netizen, “why, cause I said a good photographer took my photo? [laughing emoji] Or what? The caption? What’s with the caption. You don’t see or don’t get the beauty of those words? [laughing emoji]”

Base sa posts ni Michela, kuha ang recent Instagram photos niya sa Ilocos Norte.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN