JM de Guzman calls out basher mocking his past drug use

IMAGE Noel Orsal

JM de Guzman to basher mocking his past drug use: "kinaya ko at marami kaming lumampas at lumaban jan brad." 


Inalmahan ni JM de Guzman ang pang-uuyam sa kanya ng isang basher tungkol sa dating paggamit ng aktor ng illegal drugs. 

Sa comments section ng Instagram post ni JM kagabi, November 26, nag-iwan ng malisyosong comment ang basher. 

Sabi nito kay kay JM: "shabu pa more."

Aminado si JM na dalawang beses siyang ipinasok sa rehab center bago niya tuluyang tinalikuran ang masamang bisyong iyon. 

Pero iginiit ng Kapamilya actor na hindi dapat gawing katatawanan ang hirap na pinagdaanan niya noon. 

Matatag na pahayag ni JM, "hahahha kinaya ko at marami kaming lumampas at lumaban jan brad.

"marami nading namatay para mahiya ka ng kaunti sa sarili mo.

"oo nga pala partida dumaan pako dun sa madilim na lugar nayun.. um. sino ka nga ulit?" 

Isa pang netizen ang bumatikos sa diumano'y pagpapapogi ni JM at nagsabing bumalik na lang ang aktor sa rehab. 

Balik-sagot ni JM, "pangit ka lang." 

Marami sa mga tagasuporta ni JM ang nagtanggol sa aktor laban sa pambabatikos sa dinanas nitong pagsubok sa buhay. 

Ipinaalala ng mga ito na ang mahalaga ay bumangon si JM mula sa pagkakamaling nagawa noon. 

Siniguro naman ni JM na pinagtatawanan lang niya ang kanyang bashers.

Sa pamamagitan ng flexed biceps emojis ay inihayag din ni JM na nananatili siyang matatag sa kabila ng kanyang bashers. 

Ang pambabatikos na natanggap ni JM ay nangyari kasabay ng pagkuwestiyon ng isa pang netizen hinggil sa diumano'y hindi pagkakaunawaan nila ni Barbie Imperial. 

Dating magkatambal ang dalawa sa Kapamilya afternoon drama series na Araw Gabi.  

Dawit sa isyu si Rhian Ramos, ang leading lady ni JM sa pelikulang Kung Paano Ka Nawala, na diumano'y nauugnay sa Kapamilya actor. 

Nauna nang sinagot ni JM na pawang pamba-bash at pambu-bully ang ibinabatong paratang na ito sa kanya ng naturang netizen. 


Stories We Are Tracking

JM de Guzman slams basher amid issue involving Barbie, Rhian
JM de Guzman slams basher amid issue involving Barbie, Rhian
JM de Guzman and his personal struggles inside rehab
JM de Guzman and his personal struggles inside rehab


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN