Wilbert Tolentino alleges he also fell victim to Thai internet sensation Mader Sitang

IMAGE Noel Orsal

Wilbert Tolentino alleges he also fell victim to Thai internet sensation Mader Sitang, whom he brought to the Philippines back in October. "Para sa akin, lahat tayo nabiktima. Dapat lahat tayo, hindi nadadala sa mga fake news at lalo na yung magko-comment tayo na hindi natin alam ang behind the story."


Inilahad ni Mr. Gay World Philippines 2009 Wilbert Tolentino kung bakit binitawan na niya ang Thai internet sensation na si Mader Sitang, pagkatapos niyang dalhin ito sa Pilipinas at ipakilala sa mga Pinoy.

Nilakad din niyang maging persona non grata si Mader Sitang sa bansa, at ngayon nga'y blacklisted na ito ng Bureau of Immigration.

Pahayag ni Wilbert, “Nag-start po kasi si Mader Sitang sa akin na mag-produce ng mga products.

“And after niyang mag-produce, since we have the same profile...

"Akala ko, totoong lawyer siya, akala ko totoong nag-donate siya sa Yolanda.

"Same thing kasi, ganoon ang ginawa ko sa mga tao, tinulungan ko sila.

“In fact, ako yung highest donor sa Rotary Club.

"I thought, pareho lang kami."

Pero nadiskubre raw niya ang pagiging fake ni Mader Sitang nang magpunta ang grupo niya sa Thailand.

Lahad ni Wilbert, “Nang magpunta kami ng Thailand, hindi niya kami sinipot sa welcome dinner namin.

"'Tapos nanghihingi siya sa akin ng pera, kinukuhanan ako ng passport, dun ako nagdalawang-isip."

Ini-report daw niya ang insidente sa Philippine Embassy sa Thailand at doon niya nakumpirma ang lahat.

“Sinabihan kami ng Thai people at ibang Filipinos doon na sariling bansa nga niya, wala siyang naitulong, paano siya nakatulong sa Yolanda? 

“Doon kami naloka.”

Sa ngayon, blacklisted na si Mader Sitang sa Pilipinas.

Ayon kay Wilbert, “Blacklisted po siya. Approved na po, processed na po...”

Makakapasok lang daw muli sa Pilipinas ang Thai trans kung ipapa-lift niya ang ban dito sa Bureau of Immigration.

Sa isang banda, pinili ni Wilbert na huwag nang magsampa ng kaso laban kay Mader Sitang.

Katuwiran niya, “Kapag kinasuhan ko siya, hindi rin siya makakapunta rito, ganun din, same din.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wilbert sa launching ng online selling business niyang UBC o Ultimate Beauty Concept, sa 690 Entertainment Bar sa Roces Avenue, Quezon City, noong November 22.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TRAUMATIC EXPERIENCE

October ng taong ito nang dalhin ni Wilbert si Mader Sitang sa Pilipinas, kung saan pinagkakaguluhan ito ng mga Pinoy dahil sa kanyang viral videos.

Nakilala raw ni Wilbert si Mader Sitang sa pamamagitan ng videos nito sa YouTube.

Ang PR man daw ni Wilbert ang gumawa ng paraan kaya nagkaroon sila ng koneksiyon at nagkakilala, dahilan para madala niya si Mader Sitang sa bansa.

Nang dumating sa Pilipinas si Mader Sitang, mismong ito raw ang nagsabing si Wilbert na ang tatayong manager para sa international bookings niya.

Unang linggo raw ng November nang pumunta ang grupo ni Wilbert ng Thailand.

Nang dumating sila sa Thailand, nanghihingi na raw ng pera si Mader sa kanila.

Kuwento ni Wilbert, “Nag-meet kami, sinalubong niya kami sa airport.

"And then, noong malaman niya na wala akong dala, hindi na kami natuloy mag-dinner, pinasakay na lang kami sa bus.

“Sa airport bus, sinabihan niya ang driver na ibaba kami kung saan-saan lang.

"Naglakad kami ng kulang-kulang 500 meters bago kami nakarating sa boutique house.

“We felt bad, so sabi ko sa buong Philippine entourage namin, lumipat kami sa city.

"Noong lumipat kami on that night, nag-travel pa kami ng two and a half hours, nakapag-settle down kami ng 4 a.m. na. 

"Nakaka-trauma actually."

Ayon kay Wilbert, pinagbantaan pa raw sila ni Mader Sitang.

“Hindi na kami naglabas kasi nagbanta siya actually through message sa akin na ikakalat daw niya sa internet, idedemanda raw niya ako.

"Then, the following day, sumabog na sa internet na yung kontrata, kinalat niya, which is wala namang ano dun, kasi yung kontrata, pabor sa kanya.”

Sa kontrata raw nila sana bilang talent at manager, 70 percent ng perang kikitain ay mapupunta kay Mader Sitang habang ang 30 percent naman ay para sa wardrobe, viodeographer, accommodation, airfare, at marketing tools.

Sabi pa ni Wilbert, “Kumbaga, hindi ko naman hinahabol ang kita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang ex-deal lang namin is to promote my 690 Entertainment Bar, ang H&M Makeover sa kanya.

"Yun lang po ang deal namin."

FAKE NEWS

Masasabing na-fake news ni Mader Sitang ang buong Pilipinas.

Ilang programa sa telebisyon pa nga ang nag-feature sa kanya.

Ipinakilala siya hindi lamang bilang internet sensation, ngunit bilang isang Thai lawyer at matulungin maging sa Pinoy.

Sa parte ni Wilbert, ginawa niyang endorser ng pabango si Mader Sitang.

Pero dahil sa nangyari, itatapon na lang daw nila ang mga pabango at hindi na ibebenta. 

Pero ano talaga si Mader Sitang sa Thailand?

“Wala lang, hindi namin alam!” natawang sabi ni Wilbert.

“Talang nagpapa-viral lang siya 'tapos nagpapansin.

"So yun, unti-unti, maraming nakakakita sa attitude niya na nagkakalat siya sa internet, nagmumura... puwede siyang i-libel, di ba?

"Lahat ng Pinoy ngayon, nag-a-unfollow na sa kanya."

Bagamat na-fake news ni Mader Sitang, tuloy-tuloy pa rin daw si Wilbert na ngayon ay naglunsad naman ng online store na U.B.C. at Sir Wil Foundation.

Hindi ba't naging instrumento rin si Wilbert na maraming na-fake news si Mader Sitang?

Pag-amin naman niya, “Opo nga, ano yun... charge to experience.

"Siyempre para sa akin, lahat tayo nabiktima.

"Dapat lahat tayo, hindi nadadala sa mga fake news at lalo na yung magko-comment tayo na hindi natin alam ang behind the story.

"Sana careful tayo sa paggamit ng internet."

Ano ang reaksiyon ni Wilbert sa sinasabi ng iba na binigyan lang niya ng ilusyon si Mader Sitang?

Natawang sagot niya, “Hindi naman po. Siya lang ang umaasa!

"Wala naman akong commitment sa kanya sa money. Kumbaga, per project lang po.

“Nag-submit din ako sa SM para maging ambassador siya, which is for meeting na po.

"Yung ICON Hotel, tinawagan na rin ako na. suddenly, cancelled na lahat.

“May booking na sana kami sa U.S., sa Singapore, sa Hong Kong.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa lahat ng mga nangyari, ano ang natutunan niya?

Sagot ni Wilbert, “Yun po, wala akong ano dun, move forward na lang ako.

"Kasi, kung magdu-dwell ako sa project na yun, hindi ako makakapag-move on.

"I just feel bad lang na parang lahat tayo, na-fake news, and it turned out lang at lumalabas sa mga news na parang pakulo ko lang yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN