Sharon Cuneta proud of Richard Gomez's accomplishments as Ormoc mayor

IMAGE Noel Orsal

Sharon Cuneta proud of ex-boyfriend Richard Gomez: "I was there during the SOCA [State of the City Address]. Honestly, mangiyak-ngiyak ako sa pride sa kanya, because parang a lot of places in Ormoc na parang drug center pala, akala mo peaceful. A lot of places now are drug-free, beautiful, peaceful, it was clean. Ang bait ng mga tao."


Hangang-hanga ang Megastar na si Sharon Cuneta sa mga nagawa ni Richard Gomez sa Ormoc City sa lagpas dalawang taon pa lamang nitong panunungkulan bilang mayor.

Lahad ni Sharon, “I was there during the SOCA [State of the City Address].

"Honestly, mangiyak-ngiyak ako sa pride sa kanya, because parang a lot of places in Ormoc na parang drug center pala, akala mo peaceful.

“A lot of places now are drug-free, beautiful, peaceful, it was clean. Ang bait ng mga tao.

“Ang linis ng hangin, it’s so progressive.

"It’s a testament to the kind of… it’s the richest city of Eastern Visayas now, I have to tell you, in three short years.

"I’m blown away. I’m just so filled with pride because it’s my Richard.”

Hindi raw akalain ni Sharon na magiging public servant ang kanyang ex-boyfriend.

“Yung fifteen years kasi [na nagkahiwalay kami], ang daming nangyari.

“Kasi, we grew up together since our late teens, early 20s.

“So, the second decade of our lives, parang from there onwards.

"So, yung fifteen years, we weren’t really in touch.

“So, siyempre may kanya-kanyang buhay na, nag-asawa ako, I went to the States, ang dami na nangyari, nagkaanak-anak.

“Nag-asawa na rin siya, 20 years marriage na siya, ako 22.

“Hindi ko akalain na maging mayor siya na kapag makasama mo lang si Joey [Marquez] at si John [Estrada] noon, yung wala kang ginawa kundi puro kalokohan.”

Naikuwento ito ni Sharon sa grand presscon ng pinagbibidahan nilang pelikula ni Richard, ang Three Words to Forever, noong nakaraang linggo.

RICHARD IS COMMITTED

Ayon pa sa Megastar, kapag may ipinangako si Richard, tutuparin talaga nito o gagawan ng paraan upang maisakatuparan.

“Because we are also together for a long time, we were younger, so alam ko naman kapag committed siya sa isang bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When he lost the first time, I said, ‘Alam mo, feeling ko dinaya ka.’

“So, in three years, I don’t think ganito kaganda o ma-approve ni Direk [Cathy Garcia-Molina] o ng Star Cinema ang Ormoc for our shooting [location] kung hindi naging mayor si Richard for the past three short years pa lang.”

Sa ngayon, may dalawang bagong major malls na ang Ormoc.

Ang airport naman nito ay operational na at nag-a-apply pa ang gobyerno na magkaroon ng direct flights kahit thrice a week mula Manila to Ormoc.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN