Inigo Pascual on heated word war with basher: "Pinagtripan ko lang yun."

IMAGE Inigo Pascual Instagram

Inigo Pascual does not understand mentality of bashers: "Nakakatawa lang na naglalaan sila ng oras at effort sa amin."


Hindi napigilan ni Inigo Pascual na makipagsagutan sa isang basher na nagkumpara sa kanya sa non-showbiz friend niyang nagngangalang Nick Parker.

Ayon sa basher, mas guwapo kay Inigo ang kaibigan at higit na mas may karapatang pumasok sa showbiz.

Sinabi rin ng basher, na may username na @imaginedragons55049214, na kung hindi lang dahil sa amang si Piolo Pascual ay malabong maging artista si Inigo.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa singer-actor noong Linggo, November 25, sa studio ng ASAP Natin 'To, sinabi ni Iñigo na ang pakikipagsagutan niya sa naturang basher ay hindi niya sineseryoso at isa lang pampaaliw.

Aniya, "Hindi, pinagtripan ko lang yun. 

"Literally pinagtripan ko kasi parang lahat ng pictures ko, kinu-comment-an niya.

"Sabi ko, 'Ang lakas ng tama. Basher ka pero lahat ng pictures ko una ka pang maka-comment kaysa sa akin.'

"Lahat ng pictures ko, kinu-comment-an niya.

"Sabi ko, 'Abangan mo na lang yung next picture na ipu-post ko, abangan ko comment mo.'"

Sabi pa ni Inigo, "I was not affected by it, pero grabe ito, kine-claim niya na basher siya pero lahat ng pictures ko kinu-comment-an niya kahit di ako ang nag-post.

"Tipong magtatrabaho pa para hanapin, effort pa niya para hanapin yung picture.

"Ako, laugh trip lang ang ginagawa ko, pampaaliw lang sa mga nasa social media.

"Just to spice things up. Para di boring ang buhay."

Hindi rin daw ininda ni Inigo ang pagkukumpara sa kanya ng basher sa kaibigan niyang si Nick Parker.

"Sabi niya tumigil na raw ako sa pag-aartista.

"Sabi ko, bakit ako papapigil sa taong hindi naman kayang gamitin ang sariling litrato at pangalan niya sa social media.

"Nakakatawa lang na naglalaan sila ng oras at effort sa amin."

Pagtukoy niya kay Nick, "He's one of my best friends. I don't mind, my friends look good, that's true."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkomento rin ang naturang basher na kung hindi siya anak ni Piolo ay hindi siya makakapasok sa showbiz, bagay na ipinagkikibit-balikat lang din ni Inigo.

Pahayag niya, "It may be taken in a negative way, pero ako, I took it in a humorous way.

"Ang dami mong gustong sabihin sa akin. Bakit, inggit ka ba? Ano ba ang ginawa ko sa iyo para sabihin mo 'yan?

"Basta ako, I took it in a humorous way, not in an offensive way."

Nagbigay rin ng mensahe si Iñigo sa mga basher niya na ang gawain lang ay siraan siya.

"Kung gusto ninyong maapektuhan kami, sa harap na lang namin sabihin, kasi sa social media nakakatawa lang.

"Hindi totoong pangalan, hindi rin naman totoong picture ang ginagamit ninyo.

"Okay na lang na sa social media kayo. If you gonna say something, come to our faces."

FATHER AND SON TOUR

Kagagaling lang ni Inigo sa U.S.  at Canada para sa Father and Son tour kasama ang amang si Piolo Pascual, gayundin sina Pokwang, Wacky Kiray, at ang rumored girlfriend niyang si Maris Racal.

Masayang-masaya raw si Inigo dahil naging pagkakataon din ito nila ng ama na makapag-bond at magtrabaho nang sabay.

"Solid, solid, sobrang saya!

"It's a good experience for both of us and of course sa mga kasama namin like Maris, Wacky Kiray, and Ms. Pokie.

"Nakakatuwa kasi dati isinasama lang ako nila Papa pag nagsu-show sila kasama sila Ms. Pokwang.

"Nakakatuwa lang to be able to share the stage with my dad, nagta-travel with him.

"It's really special for both of us."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN