Zsa Zsa Padilla reacts to queries if new ASAP format caused her heartbreak

IMAGE @zsazsapadilla Instagram

Zsa Zsa Padilla alludes to moving forward after rumored disappointment with ASAP's new format: "BE STRONG AND MOVE ON. HARBOR NO BITTERNESS IN YOUR HEART. BE THANKFUL."

 


Inamin ni Zsa Zsa Padilla, 54, na alam niyang lumikha ng usap-usapan sa social media ang pahayag niyang may bitbit siyang sama ng loob sa isyung hindi niya tinukoy. 

Sa kanyang Instagram post noong Sabado, November 24, ipinahiwatig ni Zsa Zsa na nag-move on na siya mula sa kung anumang pinagdaanang problema. 

Pero hindi raw muna niya masasagot kung ano mismo ang pinagmulan ng kanyang sama ng loob. 

Bahagi ng caption sa post ni Zsa Zsa, "I am not yet in a position to say much and answer all of your questions but this much is true: BE STRONG AND MOVE ON.

"HARBOR NO BITTERNESS IN YOUR HEART. BE THANKFUL.

"Love and peace to everyone." 

November 17 nang unang mag-post si Zsa Zsa ng broken heart emoji sa kanyang Instagram. 

Kalakip nito ang malamang quote na nagsasabing: "I acted like it wasn't a big deal, when really it was breaking my heart." 

View this post on Instagram

????

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla) on

Walang ibang tinukoy na dahilan si Zsa Zsa. 

Pero sa comments' section ng kanyang post, marami sa kapwa singers ni Zsa Zsa ang nagpaabot ng kanilang pagmamahal para sa tinaguriang Divine Diva. 

Kabilang dito sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Jaya, Erik Santos, at Gretchen Barretto. 

PROBLEM WITH ASAP REFORMAT? 

Kasabay nito ang katanungan ng netizens kung bakit masama ang loob ni Zsa Zsa. 

Hindi maiwasang maugnay ito sa pagbabago sa format ng Sunday noontime show na ASAP. 

Tiyempong hindi rin kasi napanood si Zsa Zsa sa ASAP noong November 18, kung kailan inilunsad ang mga pagbabago sa show at bagong title na ASAP Natin 'To

Iyon din ang araw na pumasok ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez bilang mainstay ng musical-variety show ng ABS-CBN.

Bunsod nito, marami sa netizens ang nagtanong: mainstay pa rin ba o tinanggal na si Zsa Zsa sa ASAP Natin 'To?

Narito ang ilang comments sa post ng Divine Diva: 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa hiwalay na ulat ng PEP Troika noong November 25, nakasaad na isang malapit kay Zsa Zsa ang nagsabing semi-regular ang status ng Divine Diva sa ASAP

Nabanggit ding kasama pa si Zsa Zsa sa meeting ng bagong ASAP

Ang ikinasama lang daw ng loob ng Divine Diva ay pagkawala ng inaasahan nitong assignment sa show. 

MOVING FORWARD

Kung pagbabasehan naman ang November 24 post ni Zsa Zsa, minabuti nitong maging abala na lang sa ibang bagay kaysa mamroblema pa. 

Isang bagay na pinagkunan niya raw ng pag-asa ay ang bagong negosyo nila ng partner niyang si Conrad Onglao. 

Plano raw nilang gawing tourist destination ang property na nabili nila sa probinsiya. 

Pinangalanan nila itong CASA ESPERANZA, hango sa tunay na pangalan ni Zsa Zsa, na ang ibig sabihin daw ay "hope." 

View this post on Instagram

Hi, friends. I am spending the weekend at our happy place with Conrad, our people, Gael and Jack. I also want to share with you that we already had the name, CASA ESPERANZA approved. We dream to make this place a destination of sorts in 2020. I’m super excited! To those of you who may not know, Esperanza is the name my parents gave me. I share the same name with my mother, KATING, whom we fondly call Manga. I never saw the beauty of my name until others pointed out that it is Spanish for HOPE. It’s beautiful, right? Something that we all should always have- Hope in keeping our dreams alive, hope in people, hope in the future of our children and hope each act of kindness brings happiness to others. I am not yet in a position to say much and answer all of your questions but this much is true: BE STRONG AND MOVE ON. HARBOR NO BITTERNESS IN YOUR HEART. BE THANKFUL. Love and peace to everyone

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla) on


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN