Maymay Entrata, Edward Barber reveal valuable lessons from Vice Ganda

IMAGE Noel Orsal

Edward Barber (in photo, with Maymay Entrata) on Vice Ganda's advice: "It's one of those things that you have to remember bilang bagong artist, na the people who are more experienced than you, they don't just learned the craft, they have wisdom from their experiences."


Malaki ang pasasalamat nina Maymay Entrata at Edward Barber kay Vice Ganda dahil sa mahahalagang payo nito sa kanilang dalawa pagdating sa showbiz career.

Kasama sina Maymay at Edward (kilala bilang MayWard) sa Metro Manila Film Festival 2018 entry ni Vice, ang Fantastica.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Martes, November 27, tinanong sina Maymay at Edward kung ano ang career advice na ibinigay sa kanila ng It’s Showtime host.

Sagot ni Maymay, “Sa pagkakaalala ko, yung first shoot namin, nag-advise siya agad… as in talagang yung tipong hindi mo aakalain si Miss Vice mag-a-advise sa 'yo.

“Dati, naririnig ko lang yung advice niya sa iba. 'Tapos ngayon kami na.”

Binilinan daw siya ng 42-anyos na comedian-host na huwag na huwag magpapaapekto sa bashers at kritiko.

Sabi ng 21-year-old Kapamilya actress, “Sinabi niya sa amin na lahat ng naririnig niyo na mga negative, like, mga basher, pabayaan mo lang sila. Wag mo silang pakialaman.

"Parang wala akong pakialam sa kanila dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa 'yo, hindi naman sila ang bumubuhay sa 'yo.

“Mag-focus ka kung ano yung purpose mo, [kung] bakit nandito ka.

“Kaya hanapin mo yung purpose mo and live with it, and enjoy, and spread the love and happiness.”

Dugtong ng Pinoy Big Brother All In grand winner, malaking tulong ang sinabi ni Vice lalo sa mga baguhang kagaya niya at ni Edward.

Sabi naman ni Edward, 18, hindi matatawaran ang payo sa kanila Vice dahil malawak na ang karanasan nito sa industriya.

“It’s one of those things that you have to remember bilang bagong artist, na the people who are more experienced than you, they don’t just learned the craft, they have wisdom from their experiences,” simula ng Filipino-British actor.

“Yun din po yung sinabi niya sa akin.

"Sinabi niya, ‘Kailangan mong hanapin kung ano yung purpose mo dito sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Hindi puwedeng pera lang... dapat may dahilan kung bakit ka lumalaban. It can be family, it can be hope.'

"Like, Ate Vice always talks about giving happiness and hope to people.”

Inamin ni Edward na nasa proseso pa siya ng paghahanap kung ano ang purpose niya.

“Yung totoo, hindi ko pa rin alam kung ano yung purpose ko at the moment, kasi bago pa ako, parang nag-iiba minsan.

“So I’m not sure, pero gusto ko ding umabot sa point na I just wanna find what is pushing me to get better.”  

Ang Fantastica ay magbubukas sa mga sinehan sa December 25, araw ng Pasko.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN