Vice Ganda denies Calvin Abueva followed him to Boracay

IMAGE Arniel Serato / Instagram

Vice Ganda sheds light on the issue that he and PBA player Calvin Abueva went to Boracay together. "Nagkataon lang talaga..." says the It's Showtime host.


Nagsalita si Vice Ganda tungkol sa isyung magkasama sila ng PBA player na si Calvin “The Beast” Abueva sa isla ng Boracay noong November 24, Sabado.

Sa episode ng It’s Showtime nitong Lunes, November 26, tinukso ni Jhong Hilario si Vice tungkol sa balitang namataan silang magkasama ni Calvin sa Boracay.

Noong una ay itinanggi pa ito ng natatawang si Vice.

Biro ni Jhong, sinundan daw ni Calvin si Vice sa isla.

“Hindi totoo ‘yan,” pagtanggi ng 42-anyos na comedian-host.

Dugtong pa ni Vice, “Hindi, wala yun."

Pagkatapos ay nilinaw ni Vice na nagkataon lang na pareho silang nasa Boracay noong araw na yun.

Nagbakasyon daw si Vice kasama ang kanyang ina, samantalang pumunta raw roon si Calvin para bisitahin ang kanyang kapatid.

Paliwanag ni Vice, “Hindi ako ang sinundan niya dun. Andun yung kapatid niya.”

Sabi pa ng comedian-host, “Ang alam nila, pahinga yun with Nanay.

"Nagpahinga talaga ako kasama ko ang nanay ko.

“Nagkataon lang talaga may pinuntahan sila [Calvin] dun.”

Patuloy ang pagbibiro ni Jhong kay Vice na nagkita sila ni Calvin sa bakasyon.

Depensa naman ni Vice, “Ang liit lang ng isla, imposibleng hindi kami magkikita, ‘no!

“Nagulat nga [ako] ‘Oy, andito ka pala!’ Nagulat talaga ako…”

Sa kabila ng pag-uugnay kina Vice at Calvin, nilinaw ng dalawa na magkaibigan lamang sila.

Sinabi pa ni Vice sa interview na masaya siyang hindi itinatago ni Calvin ang kanilang pagkakaibigan.


Stories We Are Tracking

Vice on PBA player Calvin Abueva:
Vice on PBA player Calvin Abueva: "He's proud of me."
Vice Ganda opens up about friendship with Calvin Abueva
Vice Ganda opens up about friendship with Calvin Abueva
Vice Ganda reveals closeness to Calvin Abueva's family
Vice Ganda reveals closeness to Calvin Abueva's family


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN