Derrick Monasterio reacts to Issa Pressman's relationship with Marga Bermudez

IMAGE Glenn Regondola / Instagram

Derrick Monasterio on Issa Pressman's (right photo, left) relationship with singer Marga Bermudez: "Ayaw ko naman siyang i-judge. Basta, kung saan masaya ang isang tao, sige lang."


Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang Kapuso actor na si Derrick Monasterio tungkol sa dating nali-link sa kanyang si Issa Pressman.

Si Issa, na kapatid ng Kapamilya actress na si Yassi Pressman, ay nag-out na bilang isang bisexual at ipinakilala na sa publiko ang kanyang girlfriend—ang singer na si Marga Bermudez.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa second nniversary ng Myeong Dong Korean Chicken na pag-aari ng kaibigan niyang si Alex Chang, sa Greenhills Town Center, sa Quezon City, noong November 26, inalam namin ang kanyang reaksiyon sa relasyon nina Issa at Marga.

Sagot ng 23-year-old actor, “Di ko alam, di ko alam, e.

“Siguro siya [si Issa] na lang ang tanungin mo.

“Kung saan siya happy, di okey.

“Kahit naman ako, ayaw ko naman siyang i-judge.

“Basta, kung saan masaya ang isang tao, sige lang.

“Kahit naman ako, kung saan ako happy, ayaw kong may nakikialam sa akin.”

Noong bang nagkakasama silang dalawa ni Issa, hindi niya ito nahahalata?

Ayon kay Derrick, “Hindi naman, wala naman.

“Kapag nagustuhan mo ang isang tao, kahit ano pa man siya, okey lang.

“Ganun lang.”


Stories We Are Tracking

Issa and Marga's relationship approved by parents
Issa and Marga's relationship approved by parents

DATING A BEAUTY QUEEN?

Pagkatapos ma-link kay Issa, isang beauty queen naman daw ang idini-date ni Derrick ngayon. Totoo ba ito?

Paglilinaw ng Kapuso hunk, “Parang na-meet ko lang, may nagpiktyur-piktyur, ‘O, sama ka na.’ Ganun lang.

“Medyo bata pa ako para sa isang seryosong relasyon.

“Masyadong marami pa akong iniisip, so hindi na muna siguro.

“Siguro, friends without benefits.

“Alam mo naman ako, ibinibigay ko lang ang benefits kapag girlfriend ko na [talaga],” sabi pa niya.

Kaya nga raw, ang estado ng kanyang love life ay ipinapaliwanag niya sa salitang “nganga.”

“Yun nga, siyempre, nganga! As in, wala!

“Mahirap na… mahirap nang magkaroon kasi baka maging busy, ‘tapos mawalan ako ng oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag na-in love pa naman ako, binibigyan ko talaga ng time at effort, ‘tapos respect sa isa’t isa.

“Kaya nga may respect, and I choose her over anything.”

Matagal-tagal na rin daw walang espesyal na babae sa kanyang buhay, bukod siyempre sa kanyang ina na si Tina Monasterio.

Paliwanag ni Derrick, “Ganun talaga. Kailangang kong maka-focus sa ibang mga ginagawa.

“Like, ngayon, bumili ako ng isang property.

“Siyempre lalaki ako, e, kaya nag-aano ako talaga ng property for my [future] family.

“Papatayuan ko ng bahay, pero siguro hindi pa ngayon. Ipun-ipon pa.”

Ang property na sinasabi ni Derrick ay isang 430-square meters na residential lot sa Valley Golf, Antipolo, Rizal.

Naging maganda raw ang pasok ng income niya sa taong ito kaya yun kaagad ang una niyang inisip bilang investment.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN