Aiko Melendez on relationship with Mayor Jay Khonghun: "Never been happier mula nang maging kami."

IMAGE Glenn Regondola

Aiko Melendez on relationship with Subic Mayor Jay Khonghun: "When someone is happy and at peace, iba yun, e. Di ba dati, happy ka lang in the sense na 'happy'? Pero now, I'm happy and at peace."


“I’m happy and at peace.”

Ito ang pagsasalarawan ng Kapamilya actress na si Aiko Melendez tungkol sa kasalukuyang estado ng kanyang buhay pag-ibig.

Mahigit nang isang taon tumatakbo ang relasyon nila ni Subic Mayor Jay Khonghun.

Ayon pa kay Aiko, “When someone is happy and at peace, iba yun, e.

“Di ba dati, happy ka lang in the sense na ‘happy’? Pero now, I’m happy and at peace.

“Never been happier mula nang maging kami. Okey kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko sa restaurant ng White Rock Beach Hotel, sa Zambales, noong November 24, nang mag-imbita sila ni Mayor Jay ng ilang press for an overnight stay.

Paano naman tinanggap ng kanyang mga anak ang relasyon nilang dalawa?

Si Aiko ay may dalawang anak—si Andre Yllana mula sa aktor na si Jomari Yllana at si Marthena Jickain na anak naman niya sa model-chef na si Martin Jickain.

Paliwanag ng award-winning actress, “Very close sila kay Mayor, especially si Andre, kasi lalaki at he’s already 20 [years old].

“Actually, minsan nga ay nakakatampo, kasi si Andre, yung problema niya, mas alam pa ni Jay.

“May mga bagay na mas comfortable na sabihin niya sa kanya than me.

“Si Marthena kasi, she’s 12 pa lang, so more of shy-shy pa, pero okey sila.”

Singit naman ni Mayor Jay, na katabi lang si Aiko nang ginaganap ang panayam na ito, “Si Andre kasi, lalaki nga, kaya mas mabilis siyang mag-open up, lalo na sa akin.

“There are certain things na hindi niya kayang sabihin sa mommy niya.

“Okey naman, kasi parang barkada na kami.

“Mas nagkakaintindihan kami sa isa’t isa dahil yung ganung age, may pinagdaanan yun.

“Okey naman. I’m always here na kaibigan niya.”

FOREVER AND EVER

Para kay Mayor Jay, natagpuan na niya ang kanyang ‘forever and ever,” at ganun din naman ang pakiramdam ni Aiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, ang kasunod ba nito ay kasalan na?

Sagot ni Aiko, “We don’t talk about it in details kung ano ang gusto namin.

“Basta when we get there, malalaman niyo, imbitado kayo.”

Dahil din sa pag-ibig kaya isinantabi muna ni Aiko ang kanyang political plans, para suportahan ang kampanya ni Mayor Jay na tatakbo bilang vice governor ng Zambales sa 2019 elections.

Saad niya, “Alam mo kasi, kapag mahal mo ang isang tao, at mahal mo ang desisyon mo, walang mahirap.

“Siguro naman ay nakikita niyo sa hitsura ko na walang kahirap-hirap yung pag-decide ko, kasi mahal ko si Jay.

“Naniniwala din ako na panahon niya ito para magsilbi sa mas nakakaraming tao, kaya todo ang suporta ko.

“Yung sa akin, nandiyan pa rin ‘yan at di naman nawawala.

“Pero yun nga, may isang tao na mas kailangan ang tulong ko, at yun din muna ang gusto kong gawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN