Lynn Ynchausti reveals premonition of son Teejay Cruz months before his passing

IMAGE Courtesy: @bodiecruz on Instagram

It's a week now since Teejay Cruz (standing, right) died of lymphatic cancer. His family—dad Tirso Cruz III (seated, right), mom Lynn Ynchausti (seated, left), brother Bodie (standing, left), and sister Djanin (seated, middle)—are now in Batangas fulfilling one of his wishes when he was still alive. 


Ibinahagi ni Lynn Ynchausti-Cruz ang tila pagpapahiwatig ng kanyang panganay na anak na si Teejay Cruz ilang buwan bago ito pumanaw.

Nangyari raw ito nang magbakasyon sila sa Japan noong Abril ng taong kasalukuyan.

Pumanaw si Teejay noong November 21 sa edad na 37.

Sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkules, November 28, sinabi ni Lynn na ang larawang kanyang ipinost ay request umano ni Teejay.

Lahad ng misis ni Tirso Cruz III, “When we went to Tokyo Disneyland last April, TJ asked me, ‘Ma gusto mo kunan kita ng picture kay Minnie Mouse?'

“I said, ‘Yes, sige kunan mo ako!’

“Then he told me, ‘Ma gayahin mo pose nya.’ Which I did!”

Ayon pa kay Lynn, ngayon lamang niya na-realize ang kahulugan ng senyas ng kanyang kamay sa nasabing picture.

“Looking at this pic now, I realized that in this pic para akong nakatingin sa langit, telling TJ, ‘It’s been a week now since you left us, but I know you are in heaven enjoying paradise!’

“I am comforted by the Lord’s promise: 'Luke 23:43- Truly I say to you, today you shall be with Me in Paradise.’

“I love you TJ!”

Na-cremate ang mga labi ni Teejay noong Linggo, November 25.

FULFILLING TEEJAY'S WISHES

Ngayong araw ay nasa family vacation house nila sa Batangas si Lynn, si Tirso, at mga anak na sina Bodie at Djanin Cruz.

Ito ay upang tuparin ang isa sa mga pangarap sana ni Teejay na makapagbakasyon doon.

Sabi ni Lynn sa isa pa niyang post, “It was my son TJ’s desire to go to our place in Lipa when he gets well and we will cook for our family, his doctors, nurses and his friends.

"Di na natupad ito. But I know this will make him happy bringing his urn here.

"Took this pic this early morning almost the same time that we pray every morning when he was still in the hospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I miss you Teej!”

Ito rin ang nakasaad sa post ng kapatid ni Teejay na si Bodie.

Mensahe ni Bodie sa kanyang Instagram post ngayong araw, “One of Kuya TJ’s final wishes was to go back to the farm—fulfilling it somehow today.”

View this post on Instagram

One of Kuya TJ’s final wishes was to go back to the farm — fulfilling it somehow today. ♥? #TLCFarm #TheLordsCamp

A post shared by Bodie Cruz (@bodiecruz) on


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN