Paolo Ballesteros receives bouquet of flowers from rumored boyfriend on his birthday

IMAGE Instagram

Eat Bulaga! host Paolo Ballesteros proudly shows the bouquet of flower he got from rumored boyfriend Kenneth Gabriel Concepcion. Paolo is celebrating his 36th birthday today, November 29.


Ipinagdiriwang ni Paolo Ballesteros ang kanyang 36th birthday ngayong araw, November 29.

Isa sa maagang bumati sa Eat Bulaga! host ay ang kanyang rumored non-showbiz boyfriend na si Kenneth Gabriel Concepcion.

Sa pamamagitan ng Instagram ay ibinahagi ni Paolo ang larawan ng bouquet of flowers na bigay sa kanya ni Kenneth.

Makikita rin sa background si Kenneth na nakaupo sa kama.

Caption dito ni Paolo, "yiii aga happy birthday to me"

Naka-tag din dito si Kenneth at nilagyan pa ni Paolo ng hashtag na #siopao, na tila term of endearment nila.

Sa most recent Instagram post naman ni Kenneth ay makikita ang larawan nila ni Paolo.

Caption niya rito, "A dinner date with him #SioPao"

Hanggang ngayon ay wala pa ring direktang pag-amin si Paolo sa estado ng relasyon nila ni Kenneth.

Ngunit base sa Instagram posts nilang dalawa, malinaw na may espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa.


Stories We Are Tracking

Netizens speculate about Paolo's photo with non-showbiz guy
Netizens speculate about Paolo's photo with non-showbiz guy
Paolo Ballesteros posts photo with rumored BF on Instagram
Paolo Ballesteros posts photo with rumored BF on Instagram
Paolo Ballesteros keeps up guessing game about love life
Paolo Ballesteros keeps up guessing game about love life

Kabilang din sa mga bumati kay Paolo ngayong kaarawan niya ang Dabarkads niya sa Eat Bulaga! na si Joey de Leon:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN