Glaiza de Castro clarifies relationship status with Irish surfing instructor

IMAGE Glenn Regondola / Twitter

Glaiza de Castro on surfing instructor David Rainey: "Actually, oo, mutual something lang. Parang ano lang… kasi nagkakilala lang naman kami nitong year lang na 'to. So, I think, marami pang kailangang malaman sa isa't isa, di ba?"


Itinanggi ni Glaiza de Castro na mayroon na silang relasyon ng surfing instructor na si David Rainey.

Si David ay taga-Ireland na nakilala ng Kapuso actress sa kanyang bakasyon sa Siargao noong January ng taong ito.

Ilang larawan na ang lumabas na nagkasama silang dalawa, kaya hindi maiwasang ma-link sila sa isa’t isa.

Pero nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actress sa shooting ng bago niyang indie movie na may working tile na Midnight, siya na mismo ang nagsabing wala silang malalim na pinagsasamahan.

Pahayag ni Glaiza tungkol sa tanong kung silang dalawa na ba, “Hindi, hindi.

“Actually, oo, mutual something lang.

“Parang ano lang… kasi nagkakilala lang naman kami nitong year lang na ‘to.

“So, I think, marami pang kailangang malaman sa isa’t isa, di ba?”

Hindi naman sila nagmamadali at lumalabas na parang nasa “getting-to-know-each-other” stage pa rin sila hanggang ngayon.

Sabi ni Glaiza, “Ang sarap nga ng feeling na parang hindi ka in a hurry.

“Alam mo yun... di ba... parang hindi ako nasanay na... kung meron mang pressure [na magkaroon sila ng relasyon], siguro nasanay ako sa trabaho.

“Yung deadline sa trabaho, pero yung parang deadline na pumasok sa isang relasyon, kahit hind ka pa ready na just for the sake na magkaroon ka ng karelasyon, hindi, e.

“Minsan kasi iniisip ko na kung in love ba ako, o in love ako sa idea ng relasyon.

“Parang hind naman lagi perfect, e.

“Kahit may dumating na ibang tao, okey, masaya ka, but you have to work on it.

“Hindi naman masaya lagi.”

BOYFRIEND MATERIAL?

Sa puntong ito, kinumusta ng PEP.ph kay Glaiza si David.

Isa ba itong boyfriend-material para sa kanya?

Sagot ng singer-actress, “Okey naman siya.

“May mga qualities naman siya na pasok naman.

“Madami pang bagay na dapat pang pag-aralan, pag-isipan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Boto naman sa Irish surfing instructor ang ina ni Glaiza na si Cristy Galora nang makausap ito ng PEP.

Natatawang reaksiyon ng Kapuso actress, “Talaga ba?

“Hayun... a, oo, napag-uusapan namin ni Nanay yun, at masaya naman ako na open kami sa isa’t isa tungkol sa kanya.

“Malaking factor na okey sa parents mo [ang magiging boyfriend] kasi, at the end of the day, hindi naman kinakailangan na ikaw lang ang masaya.

“Kailangang masaya rin ang mga taong nasa paligid mo, lalo na sa pamilya ko, kailangang kasama sila dun sa saya ko.

“I mean, lalo na ngayon, priority ko ang happiness ko, pero priority ko rin yung happiness ng mga taong mahal ko.

“So, kasama sila dun sa... ganito lang yun, e. Hindi siya minamadali.”

Dugtong pa ni Glaiza, “Kailangan ko pa rin ng guidance... guidance ng parents, ng mga kapatid, kasi hindi siya isang bagay na papasukan mo lang.

“Ano siya... lalo na sa edad ko, hindi naman yung naglalaro ako o nag-i-experiment pa rin.

“Yung mga experiment ko lang yung mga trip-trip kong travels, pero pag sa mga ganitong subject [love], seryoso siyang bagay.”

Patuloy pa rin daw ang kanilang communication sa pamamagatin ng direct messenging o viber calls, lalo na’t nasa Ireland ngayon si David at may inaasikaso ring trabaho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN