Ai-Ai delas Alas laments about fake friends: "They follow you in the sun but leave you in the dark."

IMAGE Courtesy: @msaiaidelasalas on Instagram

Ai-Ai delas Alas posts on Instagram her thoughts about fake friends while being hospitalized: "Pag na-hospitalize ako noon… kasi madalas ako hikain kasi hindi pa ko organic food… grabe punong puno ang room ko ng flowers and fruits para sumakabilang buhay nako haha... Ngayun bilang mo nalang mga totoong nagmamahal nalang ang nagpapadala ng flowers."


Isang makahulugang mensahe ang ibinahagi ni Ai-Ai delas Alas sa Instagram tungkol sa diumano'y "fake friends" niya.

Kasalukuyang nasa ospital ang Kapuso star dahil sa hindi tinukoy na karamdaman.

View this post on Instagram

With sancho and shaning .. gagaling ako #lbmconuti

A post shared by Martina Eileen D.A. SIBAYAN (@msaiaidelasalas) on

Sa Instagram post niya kahapon, November 28, tila nagparinig si Ai-Ai sa mga taong itinuturing niyang "fake friends."

Sinamahan niya ito ng quote card na nagsasabing: “FAKE FRIENDS are like shadows. They follow you in the sun but leave you in the dark.”

Ipinaliwanag ni Ai-Ai ang ibig niyang ipakahulugan sa kanyang caption.

Mensahe niya, “Maganda to... totoong totoo... naalala ko and natatawa ako sa buhay... after Tanging Ina (thank you Star Cinema) pag na-hospitalize ako noon… kasi madalas ako hikain kasi hindi pa ko organic food… grabe punong puno ang room ko ng flowers and fruits para sumakabilang buhay nako haha...

“Ngayun bilang mo nalang mga totoong nagmamahal nalang ang nagpapadala ng flowers (hindi ako nag rereklamo na-realize ko lang ang buhay ay nakakatawa)—sigurado ko pag blockbuster ang SONS and FEELINIALS (coming soon) which I claim napakadami ko na namang friends and flowers #trotoflife #buhayshowbiz.”

Marami naman sa kanyang followers at kaibigan ang sumang-ayon sa Kapuso star.

Mga ilang araw na rin ang inilalagi ng Kapuso comedienne sa ospital kaya ang favorite niyang aso ay dinala roon at kinatagpo niya sa lobby.

Sa bago niyang post, mukhang malapit na ring lumabas sa ospital si Ai-Ai.

View this post on Instagram

Malapit nako umuwi yahooo thank you dra cham @drachammy

A post shared by Martina Eileen D.A. SIBAYAN (@msaiaidelasalas) on


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN