Barbie Imperial tells fuming fans to relax amid rumored rift with JM de Guzman

IMAGE Rachelle Siazon

Is Barbie Imperial unfazed by social-media controversy between her and JM de Guzman?


Ipinarating ni Barbie Imperial sa kanyang fans na kalmado siya sa kabila ng kontrobersiyang kinasasangkutan nila ng dating leading man na si JM de Guzman sa social media. 

Kaugnay ito ng pagkadismaya ng ilang JuanBie fans na nauwi sa wala ang umano'y akala nilang pagkakamabutihan nina JM at Barbie sa tunay na buhay. 

Kahapon, November 28, nag-post si Barbie ng litrato kalakip ang caption na "Give love, spread love" at heart emojis. 

View this post on Instagram

Give love, spread love ?????????????????????? — wearing @sofabph ????

A post shared by Barbie Imperial (@msbarbieimperial) on

Sa comments' section ng post, isang masugid na fan ni Barbie ang nagbabala na hindi niya palalampasin ang sinumang mang-bash sa Kapamilya actress. 

Sagot ni Barbie sa netizen, "relax lang po hahaha."

ALLEGED LOVE TRIANGLE 

Ilan pang fans ni Barbie ang naghayag na tama lang na manatiling kalmado ang aktres sa kabila ng espekulasyong mayroon silang falling out ni JM. 

Nitong nakalipas na linggo, inulan ng pambabatikos si JM mula sa netizens dahil diumano sa pagkakaugnay ng aktor kay Rhian Ramos. 

Noong November 26 at 27, mariing pinabulaanan ni JM na may namamagitan sa kanila ni Rhian, na leading lady niya sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala

Nilinaw rin ni JM na hindi niya maintindihan kung bakit binabatikos siya ng fans ni Barbie, gayong wala raw kasalanan ang aktor. 

Humingi pa ng dispensa si JM sa fans nina Barbie at Rhian na na-offend dahil sa isyu. 

Maging si Rhian, na itinanggi ring may ugnayan sila ni JM, ay nagpasalamat sa aktor sa pagdepensa nito sa kanya laban sa bashers. 

Pero nanatiling dismayado ang ibang fans ni Barbie kay JM dahil hindi pa rin nabigyang-linaw kung bakit tila may alitan ang dalawa. 

UNFAZED BARBIE? 

At press time, tanging si Barbie ang hindi pa nagbibigay ng kanyang panig hinggil sa isyu nila ni JM, pati na ang pagkadawit dito ni Rhian. 

Tila deadma si Barbie sa kontrobersiya at nag-post na lang ng tweet na "masaya" siya.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base ito sa palitan nila ng mensahe ng kaibigan niyang nagngangalang Milo noong November 27. 

Nauna na ring inihayag ni Barbie ang isang malamang pahayag, na pinaniniwalaan ng netizens na may kaugnayan sa isyu nila ni JM. 

Ang tweet ni Barbie, "Young but not stupid."  


Stories We Are Tracking

JM de Guzman slams basher amid issue involving Barbie, Rhian
JM de Guzman slams basher amid issue involving Barbie, Rhian
Is this Barbie's response to rumored rift with JM?
Is this Barbie's response to rumored rift with JM?
Paul Salas reacts to JM de Guzman throwback post
Paul Salas reacts to JM de Guzman throwback post
Rhian Ramos breaks silence on JM-Barbie issue
Rhian Ramos breaks silence on JM-Barbie issue


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN