Agot Isidro, Jim Paredes, Bituin Escalante join call for conscientious voting in 2019

IMAGE Grabbed from Twitter

Jim Paredes, Agot Isidro, Bituin Escalante and other known Filipino artists post videos on social media to call for conscientious voting in May 2019 mid-term elections.


Nanawagan ang ilang kilalang personalidad na bumoto sa mid-term elections na magaganap sa May 2019.

Gamit ang hashtag na #ArtForcesPh, nag-post ng videos at mensahe sa social media ang ilang artists para hikayatin ang mga botante na bumoto para sa pagbabagong ikabubuti ng mga mamamayang Pilipino, lalung-lalo na yung mga marginalized o maliliit na tao.

Isa-isang nai-post ang videos na ito sa social media platforms kagaya ng Facebook, Twitter, at Instagram ngayong November 30, Bonifacio Day, dakong alas onse ng umaga.

Kabilang sa mga nag-post ay ang mga performers na sina Agot Isidro, Jim Paredes, Audie Gemora, Bituin Escalante, Yan Yuzon, at Mich Dulce; mga aktor na sina Jaime Fabregas, Bodjie Pascua, Mikoy Morales, at Minco Fabregas; mga aktres na sina Hazel Orencio at Mae “Juana Change” Paner.

Kasali rin ang mga direktor na sina Lav Diaz at Quark Henares, at ang mga National Artists na kagaya ng pintor na si Benedicto “Bencab” Cabrera at Filipino poet na si Bien Lumbera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Karamihan sa mga personalidad na ito ay vocal sa pagpuna sa kasalukuyang administrasyon.

Kapansin-pansin rin na nasa black and white ang mga videos, at ang pahiwatig nito ay hindi mahalaga kung saan mang partido o faction ang kanilang kinabibilangan.

Sa maiksing video ng bawat isa, nanawagan sila para sa pagbabago, gaya ng pagkakaroon ng patas na oportunidad sa bawat Pilipino.

Mensahe ni Agot sa kanyang video: “Ako si Agot Isidro at ako'y isang Pilipino.

"Gusto ko ng equal opportunity sa lahat ng mamamayan: bata, matanda, babae, lalaki, mahirap, mayaman, taga-probinsya man o taga-siyudad.

"Equal opportunity to education and to health care.

"Kaya sa Mayo 2019, boboto ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag naman ni Bituin: “Ako po si Bituin Escalante ng Art Forces of the Philippines.

"I am a singer, I am a stage actor, I am also the mother of two beautiful girls.

"This is the reason why I lend my voice to this movement. Gusto ko po ng patas na karapatan para sa lahat ng Pilipino.

"Ipaglaban po natin ang ating kababaihan, those marginalized, ang mga Lumad, ang mga mahihirap.

"Lahat po tayo, may patas na karapatan. We need to vote to protect out institutions.

"Palakasin po natin ang boses ng oposisyon ng Senado para lahat ng desisyon napagninilay-nilayan. Kailangan ho ng oposisyon.

"Kaya sa Mayo 2019, boboto ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang iba pang videos...

Jim Paredes:

Bart Guingona:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mich Dulce:

Jaime Fabregas:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Quark Henares:

Mikoy Morales:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yan Yuzon:

Bodjie Pascua:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Benedicto "Bencab" Cabrera:

Ang Art Forces of the Philippines ay movement na binubuo ng artists na ang hangad ay pagbabago mula sa kasalukuyang gobyerno.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close