Raquel Pempengco hopes Jake Zyrus is happy with his decision

IMAGE Arniel Serato / Raquel Pineda Relucio on Facebook

Raquel Pempengco: "Everybody knows, iba ang totoong kadugo. Hindi ako tumatalikod sa obligasyon ko bilang INA. Si Charice ang tumalikod at nagtakwil sa tunay niyang pamilya. Huwag naman lahat isisi sa akin kung ano ang nangyayari sa kanya ngayon, dahil lahat yan desisyon niya ngayon."


Nagbigay ng mensahe si Raquel Pempengco para sa anak na si Jake Zyrus—dating Charice Pempengco—ngayong engaged na ito sa non-showbiz girlfriend na si Shyre Aquino.

Sa pamamagitan ng Facebook messaging ngayong Biyernes, November 30, ipinadala ni Raquel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang mensahe para sa nakaalitang anak.

Saad niya, “Sana maging masaya siya sa desisyon niya lagi.

“Dasal ko lang na wag siyang iiwan ng sinasabi niyang pamilya dahil napakadami na ng pamilya na tinuring niya, pero at the end of the day, iniwanan din siya.

“Tinalikuran at niloko siya after all ng ginawa niyang effort para sa mga ito.”

Sabi pa ni Raquel, iba pa rin ang pagmamahal at kalinga ng isang kadugo kaysa ibang tao.

“Everybody knows, iba ang totoong kadugo. Hindi ako tumatalikod sa obligasyon ko bilang INA.

“Si Charice ang tumalikod at nagtakwil sa tunay niyang pamilya.

“Huwag naman lahat isisi sa akin kung ano ang nangyayari sa kanya ngayon, dahil lahat 'yan desisyon niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mula nang nasa tamang edad siya at alam niya na hindi niya na ako kailangan.

“Wag niyang ikaila na walang moments na magandang nangyari sa kanya... Hahaha...”

“MASAYA BA SIYA NGAYON?”

Sinabi rin ni Raquel na ang ginawa niyang pagdidisiplina sa kanyang mga anak noon ay para maitama ang kanilang pagkakamali.

Tanong pa niya: “Masaya ba siya ngayon sa piling ng tinuturing niyang pamilya kung hindi ko siya ipinanganak?

“Basta ako, masaya ako at magandang moments para sa akin ang magkaroon ako ng tatlong anak at napakasaya ko noong maliliit sila...

“Hindi ko pinagsisihan kung sila man ay aking nasasaktan, dahil gusto kong ituwid ang mga pagkakamali nila nung sila ay mga bata pa lang.

“At kahit naging mahigpit man sa akin ang nanay ko noon, yun, e, aking naiintindihan dahil ako'y naging isang ina na ngayon.

“Hindi niya mararanasan ang mga nararanasan ng pagiging isang magulang at ina dahil ito ay itinapon na niya...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wag naman sanang sa paglipas ng panahon ito ay pagsisihan niya.

“Gabayan nawa siya ng Panginoon.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN