Manny Pacquiao challenges UP Maroons: win UAAP title, get free US trip to watch Broner fight

IMAGE Courtesy: Manny Pacquiao on Facebook

Senator Manny Pacquiao incentivized the UP Fighting Maroons by promising them an all-expense paid trip to the US and ringside seats to his January 2019 fight with Adrien Broner if they win the historic UAAP title


Hinamon ni Senator Manny Pacquiao ang mga players ng UP Fighting Maroons na bibigyan niya ang mga ito ng all-expense paid trip sa Amerika kapag maipanalo nila ang laban nila sa Ateneo Blue Eagles sa UAAP Season 81.

Sa ulat ng Philippine Star ngayong Sabado, December 1, sinabi ng mambabatas at WBA welterweight champion na kapag maipanalo ng UP ang laban, bibigyan niya ng libreng US trip ang mga miyembro ng UP Fighting Maroons upang makapanood sa laban niya kay kay Adrien Broner sa January 2019.

Masaya raw siyang lalaban doon kapag alam niyang nasa ringside at nagtsi-cheer sa kanya ang mga ito.

Sabi niya, “This would surely inspire and fire up the UP Fighting Maroons to go for the most-coveted UAAP championship plum.”

Malaking laban ang kinakaharap ng UP Fighting Maroons ngayon dahil humigit kumulang tatlong dekada nilang inaasam na makabalik sa UAAP finals.

Kasalukuyan pang ginaganap ngayon ang first sa best-of-three finals series ng championship sa Mall of Asia Arena.

Tinagurian din ang laban ngayon bilang #BattleOfKatipunan dahil parehong nasa bandang Katipunan Avenue, Quezon City ang location ng University of the Philippines at Ateneo de Manila.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN