Lea Salonga, Agot Isidro, Christian Bautista, Vicki Belo all agog over #UAAP81Finals

IMAGE Arniel Serato / Noel Orsal / File

Lea Salonga, Agot Isidro, Vicki Belo, and Christian Bautista show support to their alma maters during Game 1 of UAAP Season 81 finals. 


Trending nationwide at worldwide ang hashtag na #UAAP81Finals ngayong Sabado ng hapon, December 1, dahil sa ginanap na UAAP Season 81 best-of-three finals series sa pagitan ng Ateneo Blue Eagles at UP Fighting Maroons.

Idinaos ang Game 1 sa Mall of Asia Arena kung saan lagpas dalawampung libong mga estudyante at guro mula sa dalawang pamantasan ang dumalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanalo ang Ateneo Blue Eagles (88) laban sa UP Fighting Maroons (79).

Makasaysayan ang laro dahil ito ang hudyat ng pagbabalik ng UP Fighting Maroons sa UAAP finals matapos ang mahigit tatlong dekada.

Sakaling manalo naman ang Ateneo Blue Eagles sa laban, magsisilbi itong ikatlong pagkapanalo nila nang sunud-sunod sa UAAP finals.

Sa Instagram, nagpaabot ng suporta si Lea Salonga sa kanyang alma mater na Ateneo de Manila.

Sabi niya sa kanyang post, “This is where we are at the half. STREEEEEEES!!!!!! #OneBigFight #AteneoBlueEagles #Game1.”

View this post on Instagram

This is where we are at the half. STREEEEEEEESS!!!!!! #OneBigFight #AteneoBlueEagles #Game1

A post shared by Lea Salonga (@msleasalonga) on

Pagkatapos ng laro sabi ni Lea, “Game 1, done!!! #OneBigFight #BattleOfKatipunan.”

Personal namang dumalo sa MOA-Arena si Christian Bautista na kilala bilang alumnus ng University of the Philippines (UP).

 IMAGE Courtesy: ABS-CBN News on Twitter

Pati si Vicki Belo at ang asawa nitong si Hayden Kho ay dumalo rin sa game.

Graduate ng UP ang respetadong cosmetic surgeon.

Sabi ni Vicki sa kanyang post sa Instagram, “So excited on our way to the UAAP UP vs. Ateneo game.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
View this post on Instagram

So excited on Our way to the UAAP UP vs. Ateneo game @dochayden @alicegeduardo @smalllaude .

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo) on

Sabi pa niya sa isa pang post pagkatapos ng laban, "I’m so proud of the #upfightingmaroons.

"You played with your heart today and that’s all that matters.

"Looking forward to Game 2 and the championship.

"Congratulations to #Ateneo especially #belobaby @3rd_e."

Nagpakita rin ng suporta si Agot Isidro na graduate ng UP.

Sabi niya sa kanyang tweet, "UP Fighting Maroons played with hearts bigger than our campus. So so proud! Sulit ang paos! May Game 3 pa, guys! Kitakits.”

Ikinatuwa rin ni Chris Tiu ang pagkapanalo ng Ateneo Blue Eagles.

Sabi niya sa kanyang tweet, “Fantastic Game 1! Ateneo showed great composure vs a fearless and inspired UP squad.

"Couldn’t contain myself from cheering at home w/ every Thirdy highlight, Nieto clutch basket & those 2 Tyler Tio triples! OBF!!”

Samantala, kahit graduate ng De La Salle University ang singer na si Gary Valenciano, nag-post naman siya sa Twitter ng kanyang obserbasyon habang ongoing ang laro kanina.

Gaganapin ang Game 2 ng finals sa darating na Miyerkules, December 5, sa Smart Araneta Coliseum.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN