Will Jake Zyrus invite Oprah Winfrey to his wedding?

IMAGE Courtesy: @teamjakezyrus on Twitter

Jake Zyrus on being asked if he will invite his ninang Oprah Winfrey to his wedding to fiancée Shyre Aquino: "Aba, kung hindi siya busy, mag-private jet na lang. Pero lahat naman ng importanteng tao sa buhay ko invited, kung kumpleto na po ang lahat."


Umpisa pa lang kumustahin ng entertainment press si Jake Zyrus tungkol sa pagiging engaged niya sa girlfriend niyang si Shyre Aquino, pero umiwas na ito agad tungkol sa isyu

Mas gusto raw nilang sa kanila na lang muna ang ilang detalye ng magiging kasal nila.

Paliwanag niya, “Parang okay na po kami na alam ng mga taong engaged kami, pero yung mga details, since sa book pa lang, parang buong buhay ko nandiyan na.

“Parang there’s part of our lives na gusto namin, sa amin na lang.”

Dugtong niya, “Of course, malalaman naman.

“Pero yung mga details, sa amin na lang.”

Ang tinutukoy na libro ni Jake ay ang kanyang autobiography na pinamagatang I Am Jake, na inilabas niya nitong nakaraang Setyembre.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa ginanap na presscon ng biggest charity music festival of the year ng Frontrow kunsaan kasama si Jake at iba pang mga kilalang artists sa bansa.

Naganap ang presscon sa Luxent Hotel, Quezon City noong November 28.

Si Jake din ang bagong celebrity endorser ng Frontrow.

Isa sa mga high-profile na ninang ni Jake nang binyagan ito ay ang sikat na Hollywood host/producer na si Oprah Winfrey.

Natawa si Jake nang tanungin ito kung imbitado ba ang ninang niya.

“Aba, kung hindi siya busy, mag-private jet na lang,” saad niya.

“Pero lahat naman ng importanteng tao sa buhay ko invited, kung kumpleto na po ang lahat.”

RIFT WITH MOM

Hindi lingid sa publiko ang hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang inang si Racquel Pempengco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maari kayang magkaayos sila dahil sa nalalapit na kasal nito?

Lahad niya, “Alam niyo, yung make peace naman, ako naman, wala akong ano sa dibdib ko... sa relationship or anything.

“Parang hindi naman kami talaga yung war, or you hate, or something.

“Sa relationship lang talaga namin with our family, it’s really something different talaga.

“I came to a point na talagang mas okay sa amin na hindi kami magkakasama. It’s better that way.

“Pero, like for example, yun nga, sabi ko kanina, you all know my family already.

“Alam niyo na how they talked. Alam niyo na kung ano ang perspective nila when it comes to me, my sexuality, everything...

“I wouldn’t be surprised kung wala sila ro'n, it wouldn’t hurt me at the same time.

“Kasi again, I know my family and I’ve accepted it.

“Whatever it is, kung ano ang relationship namin, I don’t know kung anong good na relationship with them...

“I don’t know what good relationship with my kind of family but para sa akin, I’m good wherever I am, whoever I’m with.”

Aminado naman si Jake na hindi pa rin talaga sila nagkakausap o nag-uusap ng ina.

“Actually, hindi lang naman po ngayon, ever since naman.

“Parang on and off naman po yan.

“Parang it’s like a game—kampihan or everything.

“Parang I get tired of it and I accepted the way... paano yung family namin.”

Pagod na ba siya or sawa na?

“Accepted it na lang,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEALING WITH BASHERS

Hindi lahat naging positibo ang pagtanggap sa libro ni Jake.

Meron din daw na parang na-offend.

Inaasahan na rin ba niya ang mga ganitong pagtanggap?

“Opo naman,” mabilis niyang sagot.

“Iba-iba naman ang paniniwala ng mga tao.

“Iba-iba naman ang perspective nila when it comes to our family, everything.

“So of course, in-expect ko naman po yun at hindi ko naman ginawa para sa kanila.”

Wala siyang babaguhin?

Giit niya, “Wala, wala po talaga.

“Unang-una pa lang, pinag-uusapan pa lang namin ang buhay ko, from the very beginning, from the start, alam ko na there are people who’ll be against it.

“There are people who will say negative things about it, they’ll say a lot of insults or opinion daw, pero that’s part of it.

“Kahit naman hindi libro ang i-release ko, they’re gonna say something.

“If I’ll release music, they’ll say something, so I just have to go away.”

Immune na siya?

“Hindi naman immune, tao pa rin ako,” diin niya.

“Sometimes you wanna say stop, but at the same time, you cannot stop these people.

“Pero nandito lang din ako, to let everybody know na mali, mali yung mga sinasabi... na hindi ka naman kilala or anything.

“Hindi naman ako immune, but I get irritated, upset.

“But I guess, I had to live better.”

Dati raw, sumasagot pa siya sa ilang bashers.

Pero katuwiran niya, minsan daw kahit kilala na niya ang tao, kapag sarado naman ang utak, wala rin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN