Jasmine Curtis-Smith not yet ready to settle down

IMAGE Noel Orsal

Jasmine Curtis-Smith admits that she's not yet ready to settle down with her non-showbiz boyfriend Jeff Ortega: "Marami pa akong gustong gawin for myself na fully supported naman ni Jeff. Alam naman niya yung lahat."


Isa si Jasmine Curtis-Smith sa mga nag-comment sa Instagram post ni Nico Bolzico sa pagwe-welcome diumano kay Dingdong Dantes sa “Bullied Husbands Club.”

Read: Nico Bolzico recruits Dingdong Dantes to the Bullied Husbands Club

View this post on Instagram

At the #bulliedhusdbandsclub we are constantly recruiting; and today we have the pleasure to announce that we have incorporated a key asset to the team, the unique @dongdantes... #ElDantes have joined the club 2 days ago upon full approval from @marianrivera; he will be the Chief Operations Officer, in his Curriculum Vitae he highlighted the following skills in no particular order: A- Fluent in wife dialect where "5 minutes" mean "1 hour" or YES means NO. 2- Fastest "Yes dear" ever answered. 3- Full compliance with matching outfits when going out. 4- Expert shopping bag holder 5- Master degree in detecting when wife is moody because she is hungry! Welcome #DingBolzDantes #TogetherWeAreStronger #WeAreNotAfraid #ActuallyWeAreAfraidAndWeAreSorry Disclaimer: Dear Marian Rivera Dantes, this post is simply a joke and doesn't reflect reality; if it bothers you in anyway, it will be immediately eliminated and you will receive an apology letter written by @erwan and signed by the whole #BulliedHusdbandsClub

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico) on

Ang naturang grupo ay katuwaang itinatag nina Nico, Erwan Heussaff at ang iba pa nilang barkadang lalaki na mas kilala bilang mga asawa ng mga It Girls na sina Solenn Heussaff, Anne Curtis, Isabelle Daza at Georgina Wilson.

Ayon kay Nico, nagsimula raw ang “Bullied Husbands Club” dahil sa mga nakakatuwang comments ng mga netizens at online fans nila sa mga #wifezilla posts niya, na karamihan ay nagpapakita ng mga katawa-tawang adventures at misadventures nila ng mag-asawa.

Dahil malapit si Jasmine sa grupong ito, biniro namin siya na malamang na maging miyembro nitong grupo ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Jeff Ortega.

Tanong namin kay Jasmine, nakaka-relate na ba siya dahil malamang, kapag nagpakasal sila ni Jeff ay magiging miyembro rin siya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My god, nasa Bullied Boyfriends Club pa lang siya ngayon!” natatawang sagot ni Jasmine.

Sino naman ang mga kasamang member ng boyfriend niya sa Bullied Boyfriends Club?

“Sino nga ba? Hindi ko puwedeng sabihin ang mga nakaka-double date ko, e.

“Hindi pa kasi sila out, mahirap na.

“You know, loyalty to your friends.

“Mahirap makahanap ng loyalty sa friends,” patuloy niyang hirit.

Pero kung sakali at mauuwi nga sila sa kasalan ni Jeff, nakikita na ba niya ito bilang isa na ring potential candidate para sa grupo?

Lahad pa niya, “Hay naku, lalo na yang si Nicco at si Erwann!

“Actually, ngayon pa lang, I really make fun of him sa harapan ni Erwann at ni Ate.

“Sanay na si Jeff sa akin kapag binu-bully ko siya sa harap ni Ate at ni Erwann.

“Feeling ko, yung entrance niya, guaranteed na yan sa Bullied Husband Club.

“Kumbaga, wala nang initiation, pasok na agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, cute lang, comedy lang lagi ang ginagawa nilang joke.”

NOT YET READY TO SETTLE DOWN

Nang naging mas seryoso na ang usapan, inamin naman ni Jasmine na kung kasal ang pag-uusapan, wala pa raw sila sa ganitong level ni Jeff.

Personally, marami pa rin daw gustong gawin si Jasmine.

“Marami pa akong gustong gawin for myself na fully supported naman ni Jeff.

“Alam naman niya yung lahat.

“At saka siya rin naman, may mga ginagawa siyang solo projects.

"Para ma-enjoy din namin ang solo life namin kahit together na kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine sa taping ng primetime series nilang Pamilya Roces sa Luneta Hotel kamakailan lang.

CLOSER TO ANNE NOW

Kinumusta rin namin kay Jasmine ang kapatid niyang si Anne.

Ngayong matagal-tagal na ring kasal si Anne kay Erwan, may nabago ba sa relasyon nilang magkapatid?

Pag-amin niya, “Actually, it’s different pero somehow, the same pa rin naman siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re much open to talking.

“Nag-start siya last year before she got married.”

Pero close naman talaga silang magkapatid, di ba?

Paglinaw niya, “Saktong close lang.

“Hindi kami yung buddy-buddy ni Ate na parang kaya niyang tapusin lahat ng sentences ko.

“We’re super chill. 'Okay, let’s hang-out.' 'Hindi ka free? Okay, dedma.' Walang tampuhan.

“It’s just our nature lang na hindi kami palaging magkasama. Nasanay na rin, I guess.

“But the past two years before the wedding, since maid of honor niya ko, ako yung nagpa-follow up ng kung anu-anong details sa kanya or her bridesmaids.

“Na-force na rin ako to form a closer relationship that I thought I already had...

“Close enough with her pero yun pala, may mas maiku-close pa kami.”

Dugtong pa niya, “And also, it comes with, I guess, me reaching my mid-twenties na hindi na niya ako tinatrato bilang baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na mas open na siya sa aking magkuwento.”

Ngayon lang ba talaga nangyari na hindi na baby ang tingin sa kanya ni Anne?

“May time pa rin,” natawang pag-amin niya.

“Baby sister forever siguro but since I was 21, parang sinabi niya sa akin na kaya mo na ‘yan, twenty-one ka na.

“Legal ka na all-over the world.

“Hindi na niya ko kini-curfew.

“Kasi before 21, meron akong curfew na dapat before 3 A.M. nakauwi na ko.”

RARING TO HAVE PAMANGKIN

Gusto na rin daw ni Jasmine na magkaroon ng pamangkin kay Anne at Erwann.

Sabi nga niya, “Yes, I can’t wait but... I can wait para ready naman na siya.

“But looking forward na magkaroon ng baby, mabibisita, pag-aaliwan, at the right time.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN