Christian Bautista's ex-girlfriend Carla Dunareanu marries sportscaster Boom Gonzalez

IMAGE @itsmecarlad on Instagram

Christian Bautista's ex-girlfriend Carla Dunareanu marries sportscaster and radio DJ Boom Gonzalez this weekend. Carla's wedding took place two weeks after Christian married his non-showbiz girlfriend Kat Ramnani.


Eksaktong dalawang linggo pagkatapos ikasal ni Christian Bautista kay Kat Ramnani sa Bali, Indonesia, ang ex-girlfriend naman ng singer na si Carla Dunareanu ang ikinasal.

Ikinasal ang Romanian-Chinese actress-VJ sa Filipino radio DJ at sportscaster na si Boom Gonzalez sa Sentosa Resort, Singapore, noong Sabado, December 1.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Carla ng mga larawan na kuha sa kasal nila ni Boom.

Dito ay inilarawan niya si Boom bilang kanyang “best friend” at “love of my life.”

View this post on Instagram

I married my best friend. ???? @oneclickwonders

A post shared by Carla Dunareanu (@itsmecarlad) on

Sunud-sunod din ang pagpu-post ni Boom sa Instagram Stories tungkol sa kasal nila ni Carla.

Bukod sa pagiging VJ at aktres, si Carla ay host sa HBO Asia.

Si Boom naman ay kilalang sportscaster sa ABS-CBN sports channel na Sports+Action.

Kinumpirma ni Carla ang paghihiwalay nila ni Christian noong August 2013, pagkatapos ng higit isang taong relasyon.

Ikinasal si Christian kay Kat Ramnani sa Bali, Indonesia, noong November 17.

Kahapon, December 2, ginanap ang grand reception nila sa The Manila Hotel.


Stories We Are Tracking

Christian Bautista ties knot with Kat Ramnani
Christian Bautista ties knot with Kat Ramnani
Christian Bautista, Kat Ramnani grand wedding reception
Christian Bautista, Kat Ramnani grand wedding reception


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN