Khalil Ramos, Gabbi Garcia don't keep track how long they've been dating

IMAGE Noel Orsal

Khalil Ramos on exclusively-dating relationship with Gabbi Garcia: "Actually, hindi ko kasi binibilang. Pero more than a year na, around more than a year na, we don't keep track."


Hindi raw tinatandaan nina Khalil Ramos, 22, at Gabbi Garcia, 20 kung kailan sila nagsimulang mag-exclusively dating, pero lagpas isang taon na raw sila.

Ayon sa Kapamilya actor-singer, “Actually, hindi ko kasi binibilang.

"Pero more than a year na, around more than a year na, we don’t keep track.”

Pero naipakilala na raw siya ni Gabbi sa mga magulang nito.

“Yes, matagal na,” banggit ni Khalil.

At naipakilala na rin ni Khalil si Gabbi sa kanyang mga magulang.

Kahit magkaiba sila ng network, hindi naman daw isinasara ni Khalil ang posibilidad na magkasama sila sa isang proyekto sa labas ng GMA-7 at ABS-CBN.

Sabi ni Khalil, “Maybe in the future, that's something that we could consider.

“We’re both actors naman and napag-usapan din namin na what if some, say, may production house na gusto kaming kunin for a film.

“And, of course, ang gusto ko sa kanya, we share the same mindset when it comes to choosing a role—that is the story has to be king no matter what.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Khalil sa story conference ng pelikulang G!, na pagbibidahan niya kasama ang ilan pang Kapamilya stars.

ABORTED ABS-CBN BALL DATE?

Bago ang ABS-CBN Ball 2018 noong September 30, 2018, kumalat sa social media na diumano'y a-attend si Gabbi bilang date ni Khalil.

Pero natapos ang gabi nang walang Gabbi na namataan sa ball.

Niyaya ba ni Khalil ang rumored girlfriend sa ABS-CBN Ball?

Tugon niya, “Pinag-usapan namin. Pero siyempre, siyempre hindi puwede, hindi naman siya ABS-CBN [star].

“Hindi siya puwede, wala, e, ABS-CBN Ball na siya, hindi na siya Star Magic, malamang hindi na puwede.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN