Julie Anne San Jose, Benjamin Alves unfollow each other on Instagram; fuel breakup rumor

IMAGE Instagram / Facebook

The Julie Anne San Jose and Benjamin Alves breakup rumor continues after they unfollow each other on Instagram.


Break na nga ba sina Julie Anne San Jose, 24, at Benjamin Alves, 29?

May ilang linggo na ring umuugong ang ganitong hinala, lalo na nang magpagupit ng buhok si Julie Anne kamakailan.  

November 11, nag-post si Julie Anne sa Instagram kung saan ipinakita niya ang kanyang bagong hairdo.

Tanging caption niya rito, “Thank you, next” na mula sa title ng kanta ni Ariana Grande tungkol sa kanyang ex-boyfriends.

Sa comments section, maraming netizens ang nagtanong kung ang caption ba ni Julie Anne ay nangangahulugang break na sila ni Benjamin.

Subalit sa isang interview noong November, nilinaw ng Kapuso singer-actress na walang malalim na kahulugan ang kanyang pagpapagupit.

Pero hindi niya tuwirang sinagot ang isyung hiwalay na sila ng 29-anyos na aktor.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin matigil-tigil ang balitang hiwalay na ang dalawa, lalo pa’t kapansin-pansing hindi na nila pina-follow ang isa’t isa sa Instagram.

"No user found" kapag hinanap ang account name ni Benjamin sa account ni Julie Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganito rin ang resulta kapag hinanap ang account name ni Julie Anne sa account ni Benjamin.

Ngayong araw ng Martes, December 4, naging malaman din ang tweet ni Julie Anne.

Mensahe niya: “Mouth full of flowers, Heart full of cement.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang partikular na tinukoy si Julie Anne kung para kanino ang tweet.  

Iba-iba naman ang reaksiyon ng netizens dito.

May mga nagpahayag ng suporta kay Julie Anne, may mga nag-tweet ng images ng pamamaalam.

Ang iba naman, hinimok si Julie Anne na huwag idaan sa social media ang paglalabas ng impormasyon tungkol sa kanyang personal life.

Nito lamang September nang aminin ni Benjamin na magkarelasyon na sila ni Julie Anne.

Kinumpirma rin niyang two years na ang relasyon nila ng singer-actress.

Bago ang pag-aming ito, naging mailap ang dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon, subalit very expressive ang kanilang posts para sa isa’t isa sa social media.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig nina Julie Anne at Benjamin hinggil sa isyung ito.


Stories We Are Tracking

Benjamin Alves confirms relationship with Julie Ann Jose
Benjamin Alves confirms relationship with Julie Ann Jose
Julie Anne
Julie Anne "nothing to hide" about real score with Benjamin

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close