Kim Chiu reveals her unrequited love from the past

IMAGE Noel Orsal

Kim Chiu reveals she has experienced one-sided love. "Siguro na-experience ko yun for a time, pero bumitaw na rin ako."


Ibinahagi ni Kim Chiu, 28, ang tungkol sa naranasan niyang one-sided love o pag-ibig na hindi sinusuklian.

Nagsimula ito nang tanungin si Kim at ang kanyang co-stars sa One Great Love na sina Dennis Trillo at JC de Vera kung naniniwala sila sa mismong titulo ng kanilang pelikula.

“Ako, naniniwala ako sa one great love,” sagot ni Kim sa press conference ng One Great Love na ginanap kahapon, December 4.

“Nung una, nahihirapan akong intindihin ang kaibahan ng true love, great love, first love, one-sided love.

“Ang daming iba-ibang klase ng love kaya ang daming nababaliw talaga sa love, pero naniniwala po ako sa great love.”

Inusisa si Kim kung naranasan na ba niya ang one-sided love, na tinatawag ding unrequited love.

Sagot ng 28-year-old Kapamilya actress, “Lahat naman po tayo napupunta sa one-sided love.

“Siguro na-experience ko yun for a time, pero bumitaw na rin ako.

“Pag one-sided, dapat hindi na kinakapitan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat bumitaw ka na rin. Kapit ka sa ibang love.”

Kailan niya na-realize na nasa one-sided love siya?

Ayon kay Kim, “Kapag may sina-side na siyang ibang love, napunta na sa one side, ‘Ako na lang ata ito. Sige, alis na rin ako,’ yung ganun.

“Marami naman pong lalaki sa mundo.

“Huwag kang manatili sa love na hindi naman binabalik sa 'yo. Dapat ibalik sa 'yo.

“Dun pumapasok ang true love kasi nagko-compromise kayo sa isa’t isa.”

Hindi tinukoy ni Kim kung kanino niya naranasan ang one-sided love, pero naging boyfriend niya noon ang ka-love team niyang si Gerald Anderson.

Kasalukuyang karelasyon ng aktres si Xian Lim, na naging onscreen partner din niya.

OUT OF HER COMFORT ZONE

Samantala, tiniyak ni Kim na kakaibang pelikula ang One Great Love kumpara sa mga pelikulang nagawa na niya.

Ito raw ang pinaka-mature na pelikulang ginawa niya dahil pumayag siyang magkaroon ng love scenes sa unang pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi naman po naming sinasabi na, ‘Iba pa kami dito… iba po kami dito,’ but this time, iba talaga.

“Parang nag-five steps higher ako. Lumabas ako sa comfort zone ko, kasi gusto ko makita ng mga tao yung ibang ako,” aniya.

Mas hands-on daw si Kim ngayon dahil may suggestions siya pagdating sa kanyang mga eksena.

Saad niya, “I’m very happy din na sila Direk [Eric Quizon], open sila sa suggestions ko.

“Sobra akong na-happy na naa-appreciate nila ang comments ko.

“First time ko na puwede pala nila akong pakinggan.

“Puwede ko palang sabihin yung gusto ko.

“So, this movie, sobrang excited talaga ako na mapanood siya ng mga tao.

“Kahit ako, na-excite ako sa outcome ng pelikula.”

Tampok din sa One Great Love sina Miles Ocampo, Marlo Mortel, at Nina Dolino.

Isa ito sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2018 at magbubukas sa mga sinehan sa Pasko, December 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN