Jessy Mendiola speaks up about plane incident with Enrique Gil in 2015

IMAGE Noel Orsal

Jessy Mendiola admits to experiencing depression: "Two years, hindi buwan, seryoso. I had a doctor for that. I'm not afraid to admit that. Kasi talagang nangyari sa akin and gusto ko din magkaroon ako ng vlog about it and I wanna spread awareness na depression is not a joke."


Dalawang taon daw dumanas ng depression ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola dahil sa nagpatung-patong na isyu at intrigang kinaharap niya noon.

Kabilang na rito ang bashing, ang relasyon nila ng kanyang dating boyfriend, at ang insidente sa eroplano na ngayon lamang niya binigyang linaw.

Saad ng 26-year-old actress, “Two years, hindi buwan, seryoso.

"I had a doctor for that. I’m not afraid to admit that.

“Kasi talagang nangyari sa akin and gusto ko din magkaroon ako ng vlog [video blog] about it, and I wanna spread awareness na depression is not a joke.

“And bashing and cyber bullying really affect people, especially us, celebrities."

Sariwa pa sa isipan ni Jessy ang panahong pinagtangkaan niya ang sariling buhay.

“Oh, yes, nag-cut ako hanggang dito," sabi ni Jessy, sabay muwestra mula sa pulso hanggang sa may bandang braso niya.

Patuloy ng aktres, “Wala na siya [bakas]. Hanggang dun lang naman.

"Pero alam mo yung feeling mo na hanggang birthday mo, hindi ka tatayo sa kama, sa kuwarto ka lang.”

Kasunod nito, ibinahagi ni Jessy ang mga pinagdaanan niya noong 2015.

“Yes [bashing], plus yung mga bagay na nangyari sa akin before.

“May plane harassment, yung I had an ex before na mahirap to deal with, yung mga ganung bagay, very personal, nagpatung-patong siya.

“'Tapos, within those two years, I had to work on myself to heal.

"And now, I’m really proud to say na I’m really okay. I’m healed.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Jessy sa grand presscon ng The Girl in the Orange Dress sa Tiyo’s Kitchen sa Tomas Morato, Quezon City, ngayong Martes, December 4.

Ang The Girl in the Orange Dress ay entry ng Quantum Films, Star Cinema, at MJM Productions sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa pelikula sina Jericho Rosales, Ria Atayde, Sheena Halili, Hannah Ledesma, Nico Antonio, Via Antonio, Cai Cortez, at Juan Miguel Severo. Ito ay mula sa direksiyon ni Jay Abello.

 IMAGE Noel Orsal

PLANE HARASSMENT

September 10, 2015, inilabas ng PEP.ph ang exclusive report tungkol sa plane incident na kinasangkutan ng ABS-CBN stars na sina Jessy, Enrique Gil, Luis Manzano, at Liza Soberano sa flight nila patungong London, England, para sa ASAP Live in London.

Base sa report, nakainom diumano si Enrique noon sa flight at kinukulit nito si Jessy.

Ngunit hindi raw pinansin ng aktres ang aktor, na lalong nagpainit ng ulo ni Enrique.

Sa puntong ito ay inawat na raw ni Luis si Enrique sa pangungulit.

Doon na raw nagkaroon ng confrontation sa pagitan nina Luis at Enrique.

Si Luis ay naging boyfriend ni Jessy pagkalipas ng ilang buwan.


Stories We Are Tracking

<p>Enrique Gil allegedly involved in drunken incident</p>

Enrique Gil allegedly involved in drunken incident

<p>Enrique Gil apologizes for drunken incident</p>

Enrique Gil apologizes for drunken incident

<p>Jessy Mendiola’s mom to file a case against Enrique

Jessy Mendiola’s mom to file a case against Enrique

<p>Enrique Gil learns from controversial airplane incident</p

Enrique Gil learns from controversial airplane incident


Nag-sorry na ba sa kanya nang personal si Enrique pagkatapos ng nangyari?

Diretsong tugon ni Jessy, “A, hindi.”

Pero nakapagpatawad na ba siya?

Sagot niya, “Nag-move on na ako.

"May mga bagay… ikaw din kasi ang mahihirapan, e, kapagka hindi mo ni-let go yung mga ganung bagay.

“And now, okay na ako, e. May mas malala pang bagay na nangyari sa akin.

"And halata naman siguro na happy ako ngayon and yung mga dating nangyari, hayaan na natin yun.

“Pero ako, I strongly advise na kapag andoon ka sa posisyon na yun, kapagka nangyari sa 'yo yung situation na yun [depresyon], huwag mo lang hahayaan.”

Nabastos ba talaga siya noon ni Enrique sa eroplano?

Sagot ni Jessy, “Yes."

Dagdag na lang niya, "Okay na yun."

Lasing o nakainom ba si Enrique noon?

“Hindi ko alam. Baka stressed lang siya,” sabi ni Jessy, na halatang umiwas nang magbigay ng detalye.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN