Jessy Mendiola keeps distance from Enrique Gil

IMAGE Noel Orsal

Jessy Mendiola on Enrique Gil: "Nagkakasalubong kami, pero yung management din, Star Magic, is very sensitive na hindi kami ipag-close o ipagsama sa isang kuwarto. They're very sensitive naman about it."


Masaya si Jessy Mendiola na nailabas na niya ang kinikimkim na saloobin dahil sa mga nangyari sa kanya noong 2015, partikular na ang plane incident nila ng kapwa Kapamilya star na si Enrique Gil.

Noong September 10, 2015, naglabas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng eksklusibong ulat tungkol komosyong naganap sa flight ng grupo nina Jessy, Enrique, Liza Soberano, at Luis Manzano patungong London.

Naganap ang insidente noong September 4, 2015.

Ayon sa ulat ng PEP.ph, base sa paglalahad ng isang eyewitness, nakainom daw si Enrique at kinukulit nito si Jessy.

Sinaway ni Luis si Enrique at nauwi ito sa suntukan.

Noong September 11, 2015, sa pamamagitan ng panayam sa TV Patrol, inamin ni Enrique ang nagawa niyang pagkakamali at humingi siya ng paumanhin.

Hindi naman nagbigay noon ng pahayag si Jessy o si Luis kaugnay ng insidente.


Stories We Are Tracking

<p>Enrique Gil allegedly involved in drunken incident</p>

Enrique Gil allegedly involved in drunken incident

<p>Enrique Gil apologizes for drunken incident</p>

Enrique Gil apologizes for drunken incident


JESSY MENDIOLA BREAKS SILENCE

Hanggang kahapon, December 4, 2018—o makalipas ang higit tatlong taon—nagbigay ng pahayag si Jessy tungkol sa nangyaring insidente sa kauna-unahang pagkakataon.

Kinumpirma ng Kapamilya actress ang mga detalyeng nakasaad sa artikulong nailathala sa PEP.ph noong September 2018.

Ayon kay Jessy, na-trauma siya sa pangyayaring yun at dumaan siya sa depresyon.

Pero naka-move on na raw siya at masaya na sa kanyang buhay.

Dahil pareho silang nasa ABS-CBN ni Enrique, hindi maiiwasang magkita sila sa mga show o events.

Ano ang ginagawa ni Jessy kung nagkakasalubong o nagkikita sila ni Enrique?

Sabi ng 26-year-old actress, “Nagkakasalubong kami, pero yung management din, Star Magic, is very sensitive na hindi kami ipag-close o ipagsama sa isang kuwarto.

“They’re very sensitive naman about it.

"And para sa akin, if magkasalubong… actually, nakikita ko naman siya from afar, pero wala kaming time lang o walang pagkakataon na nag-uusap kami.

“Kapag nakikita ko naman siya, may [muwestra niya ng pagtango], may ganun na, pero tapos na yun, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa na ba siyang makatrabaho si Enrique sa future projects niya sa ABS-CBN?

Alanganing sagot ni Jessy, “Tingnan natin... tngnan natin.”


Stories We Are Tracking

Jessy speaks up about plane incident with Enrique
Jessy speaks up about plane incident with Enrique

FIRST MMFF MOVIE

Sa kabilang banda, masaya si Jessy na matapos ang halos dalawang taon ay muli siyang nabigyan ng magandang proyekto.

Ito ay ang pelikulang The Girl in the Orange Dress, official entry sa Metro Manila Film Festival 2018.

Ito ang kauna-unahang pagbibidahang mainstream movie ni Jessy at kauna-unahan din niya sa MMFF.

Masaya siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso, katuwang ang Star Cinema at MJM Productions.

May cameo roles sa pelikula ang boyfriend ni Jessy na si Luis Manzano at sina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado.

Jessy Mendiola, Atty. Joji Alonso, and Jericho Rosales
 IMAGE Noel Orsal


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN