Jessy Mendiola on ex-boyfriend JM de Guzman: "I'm just really happy for him."

IMAGE Noel Orsal

Jessy Mendiola and JM de Guzman are civil to each other. Can they work together? Jessy was noncommittal: "Para sa akin, okay lang, a. Pero, may mga tao sa paligid ko na mas minabuti ng huwag na lang so ako naman naniniwala naman ako sa kanila."


Handa na raw makatrabaho ni Jessy Mendiola ang ex-boyfriend na si JM de Guzman.

Nakangiting banggit ni Jessy, “Para sa akin, okay lang, a.

“Pero may mga tao sa paligid ko na mas minabuti na huwag na lang.

"So, ako naman, naniniwala naman ako sa kanila.

“So, okay na yun, he’s doing well right now and I’m just really happy for him.”

Dalawang taon ang itinagal ng relasyon nina Jessy at JM bago silang naghiwalay noong 2013.

Nagkabalikan sila noong April 2015 ngunit naghiwalay rin pagkatapos ng ilang buwan.

Ayon kay Jessy, civil na ang pakikitungo nila sa isa’t isa ni JM matapos ang pangalawang hiwalayan nila noong October 2015.

Sabi niya, “Oo, nung birthday niya, one time sa ASAP, nung September lang, nagkita kami sa ASAP, sabi ko, ‘Uy, happy birthday.'

"Para siyang, ‘Saan ako,’ pero alam naman niyang okay na ako, e.”

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media si Jessy tungkol kay JM sa grand presscon ng pelikulang The Girl in the Orange Dress, kahapon, December 4.

Ang pelikula ay entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN