Vice Ganda relates heart-to-heart talk with Edward Barber

IMAGE Allan Sancon

Vice Ganda (right) on Edward Barber: "Nag-share ako sa kanya ng ilang karanasan ko bilang baguhan din ako dati na maaaring magamit niya bilang tools, para mabuksan ang kaisipan niya."


Naikuwento ni Vice Ganda and encounter niya sa baguhang si Edward Barber sa shooting ng pelikula nilang Fantastica, entry ng Star Cinema at Viva Films sa Metro Manila Film Festival 2018.

Ayon sa box-office star, may napansin siyang kakaibang lungkot sa mukha ng ka-love team ni Maymay Entrata kaya kinausap niya ito.

Pero bago niya tuluyang ikinuwento ito, humingi muna ng permiso si Vice kay Edward sa grand presscon ng Fantastica na ginanap sa Dolphy Theater, sa ABS CBN compound, Quezon City, Martes ng gabi, December 4.

Agad namang sumang-ayon dito si Edward, na parang nahihiya pa.

Lahad ni Vice, “Hindi ko masasabing fun, pero ang memorable sa akin, when I was given the chance to talk to Edward.

“Si Donny [Pangilinan], nandun din.

“Break yun, nagsi-set up, ‘tapos si Edward, tahimik.

“I felt he was sad. Kaya tinanong ko siya, ‘Sad ka, Edward?’

“‘Wala po, hindi po.’

“Hindi pa kami ano... ako yung pumi-penetrate sa kanilang lahat.

“Ako yung gumawa ng lahat para matsika ko sila lahat.

“Siya [Edward], nasa madilim. E, si Donny, kapag nababagot ‘yan, ang hilig niyan ay magmasahe. May libreng masahe kay Donny.

"So, umupo ako sa tapat ni Edward, ‘tapos si Donny, ginaganyan ang likod ko.”

Habang minamasahe raw siya ni Donny, kinuha ni Vice ang pagkakataong matanong at makausap si Edward.

Aniya, “Nag-usap kami nang seryoso ni Edward at saka ni Donny.

“Sabi ko, ‘Bakit ka tahimik?’

“Ang sabi niya, naguguluhan daw siya. Naguguluhan siya, naku-confuse siya.

“Kasi, magmula nang lumabas daw sila nina Maymay sa PBB [Pinoy Big Brother], dire-diretso na ang trabaho, ‘tapos yung stardom nila, palaki na nang palaki.

“He was not sure if he was prepared for it.”

Ayon daw kasi kay Edward, nang pumasok siya sa PBB, iba ang plano nito sa buhay.

CHANGE OF PLANS

Patuloy ng It’s Showtime host, “Parang when he entered PBB, gusto lang daw niya itong i-try, ‘tapos babalik na siya sa Germany, and he would just go back to his normal life—estudyante ‘tapos kasama ang kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, pagkatapos ng PBB, nagdire-diretso, ‘tapos naiba ang takbo ng buhay niya.

“'Tapos, nung nagsu-shooting kami, tulala siya, parang di pa nagsi-sink in sa kanya ang mundong ginagalawan niya ngayon.

“Siya yung, ‘Heto ba ang gusto ko? Happy ba ako? Pagod ba ako? Prepared ba ako? Heto na ang inaasahan ko paglabas ko?’

“Kinausap ko siya.”

Sa kanilang pag-uusap ay pinayuhan ni Vice si Edward at binigyan ng isang bahagi ng kanyang life’s lesson.

Saad ni Vice, “Nag-share ako sa kanya ng ilang karanasan ko bilang baguhan din ako dati na maaaring magamit niya bilang tools, para mabuksan ang kaisipan niya.

“At in-explain ko sa kanya ang lahat ng purposes ng ito, kung paano nababawasan sa atin ang sadness in the midst of success, yung stress sa gitna ng tawanan, yung lungkot sa gitna ng palakpakan, yung katahimikan sa gitna ng ingay.

“Shinare ko lahat yun sa kanya. Pagkatapos nun, nakangiti na siya.

“And he thanked me and I thanked him as well.”

Patuloy ni Vice, “Pati si Donny, nag-share din.

“Natuwa ako kay Donny kasi nung magkita kami ni Mommy niya [Maricel Laxa] sa birthday ni Mother Lily [Monteverde], she thanked me dahil kinausap ko nga raw si Donny at si Edward about life.”

Ngayon daw ay madalas nang nakikita ni Vice si Edward na nakangiti kahit pagod na pagod na ito.

Pangiti-ngiti rin si Edward habang ibinubuko siya ni Vice sa paraang sumasang-ayon ito sa mga detalyeng ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN