Elmo Magalona "doing fine" amid Janella Salvador's allegations against him

IMAGE Noel Orsal

Elmo Magalona speaks up after being accused by leading lady Janella Salvador of physical abuse. "I'm doing fine naman, keeping my focus."


Inamin ni Elmo Magalona na “challenging year” para sa kanya ang taong kasalukuyan.

“I’m doing fine naman, keeping my focus,” sagot ni Elmo nang kamustahin siya sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN News sa isang charity event noong Sabado, December 1.

Dugtong pa ng 24 year-old Kapamilya actor, masaya siyang nabigyan ng pagkakataong makapaghatid ng saya sa ibang tao, kagaya sa ginawang charity event.

Hindi raw malalampasan ni Elmo ang mga pagsubok na dumating sa kanya kung hindi dahil sa tulong ng mga nagmamahal sa kanya.

“And I'll be honest, it wouldn't have been possible without the help and love of my family, friends, and yung mga sumusuporta sa akin," pahayag niya.

Natanong din si Elmo kung ano ang natutunan niya sa mga pinagdaanan ngayong 2018.

Sagot niya, “You need to keep good company around you all the time, so that ma-feel mo that you're not alone."

Sa susunod na taon, tututukan daw ni Elmo ang kanyang career.

Pero iiwas muna raw siya sa pagkakaroon ng love team at pagkakaroon ng love life.

Sa panayam ni Elmo ay walang direktang pagtukoy kung ano ang mga pinagdaanan niya.

Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang pagkakasangkot niya sa kontrobersiya noong Oktubre.

Ito ay nang lumabas ang balita tungkol sa pisikal na pananakit diumano niya sa ka-love team at rumored girlfriend na si Janella Salvador.

Sa isang interview, sinabi ng 20-year-old actress-singer na hindi lang siya isang beses sinaktan ni Elmo.

Sa kabila ng mga alegasyong ito, nanatiling tahimik ang kampo ni Elmo.

Ilang araw lamang matapos ang rebelasyon ni Janella, nagkasama sila ni Elmo sa series of shows sa Canada.

Pero mapapansin sa videos at photos na kuha mula sa shows na may ilangan na sa kanilang dalawa.  


Stories We Are Tracking

Janella Salvador, Elmo Magalona sing duet in Canada concert
Janella Salvador, Elmo Magalona sing duet in Canada concert
Janella, Elmo together in Canada despite serious rift
Janella, Elmo together in Canada despite serious rift


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN