Kim Chiu does not consider Xian Lim her one great love yet

IMAGE Noel Orsal

Kim Chiu explains why she cannot call Xian Lim her one great love: "Iba naman po yun. Kahit na wala kayong great love, basta may true love kayo, may nagmamahal sa 'yo, okay na yun."


Hindi pa raw alam ni Kim Chiu kung sino ang one great love niya.

Si Kim ang bida sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na One Great Love kaya naitanong sa kanya ang tungkol dito.

Kakaamin lang nila ng boyfriend na si Xian Lim ng relasyon nila kaya may mga nagulat sa kanyang pahayag.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim kung bakit hindi pa niya masabing si Xian ang kanyang "one great love."

Paliwanag niya, “Iba naman po yun.

"Kahit na wala kayong great love, basta may true love kayo, may nagmamahal sa ‘yo, okay na yun.

"Iba ang great love, at pagtanda ko pa mari-realize kung sino ang great love ko.

"Hindi ko talaga alam, as in, wala talaga."

Pero masaya raw siya ngayon sa piling ni Xian.

“Super happy,” sambit ni Kim.

“I’m very happy sa nararamdaman ko ngayon and naibabalik naman sa akin ang pagmamahal na naibibigay sa akin, so masaya naman ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa grand presscon ng One Great Love sa Valencia Events Place noong December 4.

Sa One Great Love, na Rated PG, ay unang beses mapapanood si Kim na may love scenes.

Pareho siyang may love scenes sa leading men niyang sina Dennis Trillo at JC de Vera.

Kung ang ibang artista ay hindi pinapapanood ang mga maseselang eksena ng kanilang relasyon, si Xian daw ay "excited" mapanood ito.

Sabi ng Kapamilya actress, “Excited na siyang mapanood.

“Nakita niya kung paano ko tinutukan ang pelikula.

"First time ko na ganito yung movie at gusto kong makita muna siya bago ko ipakita sa mga tao."

UNREQUITED LOVE

May nabanggit noon si Kim tungkol sa pagkakaroon ng one-sided love.

“Grabe po! Alam niyo, guni-guni niyo lang yun!” natatawang birong pagkakaila niya.

Hindi siya minahal nung taong yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minahal naman,” bawi ni Kim.

“Pero sadyang sa pagkakataon, sa tagal... kayo rin, lahat naman tayo mae-experience natin yung ganun.”

Biniro tuloy si Kim na bakit nandadamay pa siya ng iba pagdating sa one-sided love.

“E, dapat tayo rin ito, tulungan tayo, di ba?” natawang sagot niya.

“Hindi, lahat naman tayo naka-experience ng ganun para alam natin ang halaga ng magmahal.”

Yung naramdaman niyang one-sided love, minahal naman din pala siya?

“Minahal din naman ako, pero mas lumamang lang ako…

"Parang sa laro lang iyan. May lumalamang, nananalo. Kaso yung lumamang, natatalo, ganun."

Ngayon daw, mas natuto na siya sa larangan ng pag-ibig.

“Siyempre, natuto sa mga experiences natin sa love. May natututunan tayo kahit paano.

"Kung wala, tanga na yun. Sa pelikula nga, move on."

Masasabi ba niyang balanse na ngayon ang kanyang relasyon?

“Balanse ito,” nakangiting sagot ni Kim.

Nineteen days na lang at Pasko na, pero wala pa raw siyang naiisip na regalo para kay Xian.

“Wala pa, wala pa. At saka, iba-iba naman ang gift namin, e,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN