KC Concepcion on ex-boyfriend Piolo Pascual: "We have forgiven each other."

IMAGE @itskcconcepcion on Instagram

KC Concepcion says she and ex-boyfriend Piolo Pascual still care for each other as friends.


Iginiit ni KC Concepcion na nagkaayos na sila ng ex-boyfriend niyang si Piolo Pascual.

Nagsimula ito nang tanungin ni KC ang kanyang followers sa Instagram kung ano ang kanilang Christmas wish.

Komento ng isang netizen: “my wish is maging magfriend na kayo ni piolo pascual at accept doing picture with him. Just for the happiness of your fans [heart emojis].”

Sumagot naman dito si KC.

Pahayag ng 33-year-old actress-TV host, "We are good.

"Piolo and I have forgiven each other and know that we will care about each other as friends."

Biro pa niya, "Hay naku baka nahuli na po kayo sa balita… hehe."

October 2010 nang maging magkasintahan sina Piolo at KC.

Tumagal ng halos isang taon ang kanilang relasyon.

Sa exclusive interview ni KC sa The Buzz noong November 2011, hindi niya direktang sinabi kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Piolo.

September 2015, lumabas sa social media ang larawan nina Piolo at KC na magkasama.

Kuha ang larawan nang magtanghal ang ASAP sa London.

Pagkalipas ng ilang araw, kinumpirma ni Piolo sa isang interview na matagal na silang nagkaayos ni KC.

Nagkabati raw sila nang pumanaw ang lola ni KC na si Elaine Gamboa-Cuneta noong 2014.  

Sa kasalukuyan ay masaya si KC sa piling ng kanyang French boyfriend na si Pierre Emmanuel Plassart.

Si Piolo naman ay walang napapabalitang girlfriend ngayon, bagamat nauugnay siya sa aktres na si Shaina Magdayao.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN