Jericho Rosales witness to how Jessy Mendiola suffered from bashers

IMAGE Noel Orsal

Jericho Rosales says he himself witnessed the relentless bashing his leading lady Jessy Mendiola experienced. He told her, "Don't let these people or itong situation na ito stop your dreams, your passion, yung talents mo. There's so much more."


Bilang leading man ni Jessy Mendiola sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na The Girl in the Orange Dress, alam ni Jericho Rosales ang pinagdaanan ng aktres na dahilan para maisip nitong talikuran na ang showbiz.

Binigyan din ng suporta ni Jericho si Jessy, lalo na noong ginagawa nila ang pelikula na hatid ng Quantum Films.

Ani Jericho, “Siyempre, I was listening to her, pinapakinggan ko siya, 'Huwag mong pansinin ang mga bashers.'”

Nagulat daw si Jericho dahil nasaksihan niya mismo kung gaano karami ang bashers ni Jessy nang mag-post siya ng picture nila sa Instagram.

“Nag-post ako ng picture naming dalawa... wild, wild!

“Noong tiningnan ko naman ang mga account, puro mga trolls. Puro mga walang followers.”

Ipinagtanggol din ng aktor si Jessy sa isa pang post.

“Yeah, nag-post pa ako sa Instagram ko about negativity and I said, it will pass. Don’t let these people or itong situation na ito stop your dreams, your passion, yung talents mo. There’s so much more. 

“It’s a test of faith lang iyan, strength, patience, love, forgiveness, parang ganun... and I think she knows that.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jericho sa grand presscon ng The Girl in the Orange Dress, sa Tiyo Craft Kitchen & Bar, Quezon City, noong Martes, December 4.


Stories We Are Tracking

Jessy speaks up about plane incident with Enrique
Jessy speaks up about plane incident with Enrique

HANDLING BASHERS

Naranasan din ni Jericho ang magkaroon ng bashers. Paano niya ito na-handle?

Aniya, “I’ll be honest with you, nakaka-grrr... magagalit ka.

"Pero the only way to deal with it is you have to sound like a responsible person.

"Pero with love talaga, e. Kailangan mo lang mag-dive and understand na, 'Bakit kaya ganito ang mga ito?'

“Wala, sinasabi ko na lang na, 'Let love, let God, bahala na sila.'

“I would say something... alam niyo naman ako, fighter ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But at the end of the day, alam niyo naman ako, hindi ako makikipag-untugan para sa mga ganoon.

"Wala naman tayong mapapala, hindi rin naman sila matututo. We’ll just try to inspire. 

“Kapag hindi sila nakinig, I’m sure one way another, maaano rin nila yun.”

JESSY'S CRUSH

Bukod sa naging rebelasyon ni Jessy sa presscon tungkol sa pinagdaanang depression, rebelasyon din nang sabihin nito na si Jericho ang naging dahilan kung bakit siya nagsimulang manood ng teleserye.

Crush daw niya ito noon.

“Nakakahiya, nakakadiyahe,” nakangiting reaksiyon naman ni Jericho.

“Siyempre kahit papaano, you’re flattered, di ba? I really don’t know how to react pag ganun.”

Naiilang ba si Jessy sa kanya?

“Minsan. Minsan naiilang siya, napapansin ko!” natawang pag-amin ng aktor. 

“Minsan nawawala naman kaya nangungulit ako palagi sa set. Pinapagaan ko na lang para kaswal tayo. You know, hindi kami maraming time para mag-bond for the project to be comfortable.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN