Luis Manzano challenges basher to prove allegations against Jessy Mendiola

IMAGE Noel Orsal

Luis Manzano defends girlfriend Jessy Mendiola from troll. 


Ipinagtanggol ni Luis Manzano ang girlfriend na si Jessy Mendiola laban sa isang basher ng aktres.

Below-the-belt na kasi ang banat ng nasabing netizen kaya hinamon ito ni Luis na magpakita ng ebidensiya laban sa mga akusasyon nito kay Jessy.

Sabi ng basher na may handlename na @geraldgenio: “Sana masaya ka sa pag-uungkat ng nakaraan.

“Move on girl. Kawawa yung taong wala naman talagang may kasalanan.

“Dinamay mo pa si JM at Enrique Gil sa pagkaka depress mo.

“Kasalanan mo naman ang lahat.

“Ahas. Starlet. Flop Queen.

“Pumayat nga pero mabaho pa rin.”

Ang komentong ito ng basher ay base sa pagsasalita ni Jessy, sa presscon ng pelikulang The Girl in the Orange Dress, tungkol sa plane incident na kinasangkutan nila ni Luis at kapwa ABS-CBN star na si Enrique Gil noong 2015.

Si Luis ang sumaway kay Enrique, na lasing dahil sa alak, sa pangungulit nito kay Jessy.

Dahil daw sa insidenteng iyon, kasabay ng iba pang mga problema, kagaya ng relasyon nila ng ex-boyfriend na si JM de Guzman, dumanas ng matinding depression si Jessy.

Dumating pa sa puntong pinagtangkaan daw ng aktres ang sariling buhay.


Stories We Are Tracking

Jessy speaks up about plane incident with Enrique
Jessy speaks up about plane incident with Enrique
Jessy Mendiola keeps distance from Enrique Gil
Jessy Mendiola keeps distance from Enrique Gil
Jessy Mendiola happy for ex-boyfriend JM de Guzman
Jessy Mendiola happy for ex-boyfriend JM de Guzman

LUIS CALLS OUT BASHER

Hindi pinalampas ni Luis ang pambabastos ng basher sa kanyang girlfriend.

Buwelta ng I Can See Your Voice host, “@geraldgenio – wag nagmamarunong kung walang alam sa lahat ng pangyayari, panindidgan mo naman mga sinasabi mo, DM mo ako details mo promise bibigyan kita ng chance sabihin lahat yan harap harapan.”

Dagdag pa niya, “@geraldgenio – waiting sa DM ha, promise, di ko ilalabas details mo pero ako mismo pupunta.

“@geraldgenio – sent u a DM, details please.

“@geraldgenio – may lakad pa ako now, details please saan ka pwede puntahan.”

Mukhang binura na ng basher ang kanyang komento sa post ni Luis.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN