Sharon Cuneta attests to Kathryn Bernardo and Daniel Padilla's devotion to each other

IMAGE Noel Orsal (Sharon and Kathryn) / Tonight With Boy Abunda (Daniel)

Megastar Sharon Cuneta (left) is all praises for the relationship of Daniel Padilla (center) and Kathryn Bernardo (right). "Hindi sila love team lang. Nagmamahalan talaga sila, walang question."


Saksi si Sharon Cuneta sa malalim na pagmamahalan nina Daniel Padilla, 23, at Kathryn Bernardo, 22.

Nakita raw ito ng Megastar nang minsang bumisita si Daniel sa set ng shooting ng Three Words To Forever, ang recent movie nina Sharon, Kathryn, at Richard Gomez.

Sinorpresa raw ni Daniel si Kathryn nang pumunta ito sa set ng pelikula sa Ormoc, Leyte, noong October.

Tiniyak daw ni Daniel na hindi siya makakasagabal sa trabaho ni Kathryn.

"Nagsu-shoot si Kath, si Daniel naman iniikot yung Ormoc. Nagwi-wake boarding ba, windsurfing, 'tapos babalik siya," kuwento ni Sharon sa bloggers' conference ng Three Words To Forever noong November 29.

Inilarawan ni Sharon na “very private, very cute couple” sina Kathryn at Daniel.

Nakita rin ng actress/host/singer na pinagkakatiwalaan ng ina ni Kathryn si Daniel para alagaan ang anak.

“'Tsaka si Kath is already 20-something. She’s already of age, and parang she [Kathryn’s mom] entrusts Kath to Daniel.

“Talaga. Pag nandyan na, she knows Daniel makes her happy."

Papuri pa ng Megastar, "Wala kang masasabi sa batang yun, napakatinong bata—si Kath, silang dalawa.

“It’s wonderful to see them together.

“Nakakainggit yung pag-alaga ni Daniel sa kanya, the way they’re devoted to each other.”  

Dugtong pa ni Sharon, totoo ang pagmamahalang nakikita niya sa pagitan nina Kathryn at Daniel.

“You can see the purity, the sincerity, true love.

“Hindi sila love team lang. Nagmamahalan talaga sila, walang question.

“Wala kang naririnig na masama about Daniel. Parang mahal niya si Kath, he’s very faithful.” 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN