Maine Mendoza breaks silence on rumored relationship with Arjo Atayde

IMAGE Noel Orsal

Maine Mendoza on Arjo Atayde: "Getting to know each other first. Siyempre, paano mo makilala ang isang tao kung hindi kayo magsasama at mag-uusap?"


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Maine Mendoza tungkol sa napapabalitang relasyon nila ni Arjo Atayde.

Sa grand presscon ng Jack Em Popoy (The Puliscredibles) ngayong Huwebes, December 6, hindi pinayagan ang mga dumalong press na magtanong ng personal questions.

Kaya minabuti ng media na hintayin ang one-on-one interviews para matanong ang main stars ng pelikula na sina Vic Sotto, Coco Martin, at si Maine.

Wala sa presscon si Arjo, na kasama rin sa cast ng pelikula.

 IMAGE Noel Orsal

Unang nakorner ng media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), si Maine.

Nagpaunlak naman ito ng ilang katanungan mula sa entertainment press.

Mapapansing blooming si Maine kaya ito ang aming unang tanong.

Sagot niya, “Siguro, masaya ako.”

Masaya rin ba ang puso niya?

Maiksing sagot ng Phenomenal Star, “Oo.”

Nitong mga nakaraang buwan ay apat na beses na namataan si Maine kasama si Arjo.

Tinanong ng PEP.ph ang Eat Bulaga! co-host tungkol dito.

Maikli pa ring tugon niya, “Friends kami.”

Nanliligaw ba sa kanya ang Kapamilya actor?

Pagtanggi ng Kapuso star, “Hindi, friends kami. We’re going out as friends.”

Tungkol naman sa public sightings nila, sabi ni Maine, “Getting to know each other first.

“Siyempre, paano mo makilala ang isang tao kung hindi kayo magsasama at mag-uusap?”

Paanong "getting to know each other"?

Natatawang hirit ni Maine, “Hindi niyo nga tinanong dito [sa question and answer], pero kinorner niyo naman ako!”

Kumusta si Arjo?

“Okay naman siya. Tanungin niyo siya,” sagot niya.

Ano ang nagustuhan niya sa binata?

“Ano ba 'yan?” sambit ni Maine, sabay iwas na sa iba pang katanungan.

Pero sa huli, sinabi ni Maine na nakakaramdam na siya ng kalayaan ngayon.

“Opo, nagagawa ko na rin yung mga gusto kong gawin bilang tao at bilang artista.”

Ang Jack Em Popoy (The Puliscredibles) ay ipalalabas sa December 25 bilang entry sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay mula sa CCM Film Productions, APT Productions, at M-ZET Productions sa direksiyon ni Mike Tuviera.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN