Maja Salvador: No reason for a senior star to be mataray to showbiz newbies

IMAGE Rachelle Siazon

Maja Salvador on treating showbiz newbies as an equal: "So yun, pare-parehas tayong breadwinners lahat at ibinibigay ang 1000 percent for me. May fans lang kami pero pare-parehas tayong nagtatrabaho."


Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Maja Salvador sa loob ng 15 taon niya sa showbiz, sinisiguro raw niyang hindi siya nagtataray sa mga baguhang artista.

Lalo na't sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, isa si Maja sa maituturing na senior stars na tinitingala ng mga baguhang artistang nais sumunod sa yapak niya sa galing sa pag-arte at dedikasyon sa trabaho.

Paliwanag ng dating Wildflower star: "Gusto ko kasi, maging successful man ako o hindi, maaalala nila ako for my attitude, kung paano ako makisama.

"Kasi, at the end of the day, sa akin walang artista, walang staff, walang kung anuman yung posisyon mo.

"Pantay-pantay kasi lahat tayo nagtatrabaho at nagpapakapagod.

"So yun, pare-parehas tayong breadwinners lahat at ibinibigay ang 1000 percent for me.

"May fans lang kami pero pare-parehas tayong nagtatrabaho." 

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja sa Star Magic Gives Back, sa Good Samaritan Nursing Home, sa Marikina Heights, Marikina City, noong December 1.

Kung minsan ay nanunumbalik pa raw sa isip ni Maja ang panahong 14 years old siya at bagong sabak pa lang siya sa showbiz.

Ilan sa senior stars na pinapanood niya lang noon sa Sunday musical-variety show ng ABS-CBN ay sina Vina Morales at Rica Peralejo.

Patuloy ng 30-years-old na si Maja: "Nag-birthday prod ako sa ASAP nung October. 'Tapos may ibinibigay sila sa akin na gold outfit. Ta's lahat pumapasok na, 'Hi, Ate!'

"So, nostalgic for me kasi 15 years ago, ako yung ganun. Ta's yung papanoorin ko magsayaw si Ate Vina.

"So, parang feeling ko that time, nung araw na yun ako si Ate Vina. 'Tapos yung mga bumabati sa akin, ako.

"Binabati ko sila Ate Rica Peralejo noon, 'tapos ako yung bine-be nila, 'Hi, Be!'

"Ngayon ako na yung 'Hi, Be. Hi, Beb!' ta's lahat ina-ate ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon, mas pursigido pa si Maja na pagbutihin ang kanyang trabaho bilang artista.

"Very thankful na I'm still here.

"Hindi napapagod na mag-work, na magbigay-happiness, na mahalin yung ginagawa ako," nakangiting sambit ni Maja.

Lalo pang inspirado ang Wildflower star na nanalong best actress country winner sa first Asian Academy Creative Awards (AAAs), na gaganapin sa Capitol Theatre, Singapore, ngayong araw, December 7.

Bago ang awards night, nakatakdang dumalo si Maja bilang isa sa key speakers sa Asian Academy Creative Campus Panel Session sa PIXEL Studios, Singapore.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN