Vic Sotto doesn't meddle in Maine Mendoza's private life

IMAGE Noel Orsal

Vic Sotto on Maine Mendoza: "Hindi kami nag-uusap ng personal na bagay-bagay. Ang pag-uusap lang namin ay usually ay pagdating sa trabaho."


Itinuturing ni Maine Mendoza na tatay-tatayan sa showbiz si Vic Sotto dahil sa malalaking proyekto sa telebisyon at pelikulang pinagsasamahan nila.

Biro nga ni Vic, nakakontrata si Maine sa kanya bilang anak sa mga proyekto nila.

Bukod sa noontime show na Eat Bulaga!, magkasama ang dalawa sa Kapuso weekly sitcom na Daddy’s Gurl at sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Jack Em Popoy: The PulisCredibles.

Sa Daddy's Gurl at Jack Em Popoy ay mag-ama ang mga role nina Vic at Maine.

Kasama rin nila sa Jack Em Popoy ang Kapamilya star na si Coco Martin.

 IMAGE Noel Orsal

Mainit na usapin ngayon ang balitang nagkakamabutihan daw si Maine at ang isa pa nilang kasama sa pelikula na si Arjo Atayde.

Ngunit ayon kay Vic, hindi nila pinag-uusapan ng anak-anakan sa set ng show o sa location ng pelikula ang private life ng isa’t isa.

Saad niya, “Hindi kami nag-uusap ng personal na bagay-bagay.

“Ang pag-uusap lang namin ay usually ay pagdating sa trabaho.

“Kasi ako, personally, I’m a very private person; and siya din naman ay ganun.

“Dapat kami ay nagrerespetuhan sa personal naming buhay.”

Samantala, masaya naman ang Eat Bulaga! host na natuloy rin ang proyekto nila ni Coco na ilang beses naunsiyami.

Ano ang masasabi niya sa tandem nila ni Coco sa pelikula?

Saad ni Vic, “Ang galing! Nakakatuwa.

"Mahirap magbuhat ng sariling bangko, e, siguro ang mga manonood, makikita nila ang ibang timpla, na hindi basta timpla, masarap na timpla.

“Nakakatawa, nakakaiyak, nakaka-excite, you have to watch the movie.

“I cannot go into details, e, kasi masisira yung istorya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vic sa grand presscon ng Jack Em Popoy: The PulisCredibles kahapon, December 6.

VIC SOTTO-VICE GANDA TANDEM SOON?

Ngayong natupad ang tila imposibleng pagsasama nila ni Coco, may pag-asa kayang sa susunod na mga taon ay sila naman ni Vice Ganda ang magkasama sa iisang proyekto?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Vic, “Why not? Anything is possible.

"Noong araw, e, Coco-Vic ay parang... ilang beses naming pinlano, hindi matuluy-tuloy, pero natuloy din.

“Anything is possible and welcome. The idea is welcome.”

Masaya raw si Vic na taun-taon ay nakakagawa siya ng pelikula para sa MMFF.

“E, parang kulang ang buhay ko kapag walang ano, e... kulang ang taon pagka wala tayong naipapalabas para sa entertainment ng mga manonood ng mga pelikulang Pilipino, lalo na pagdating ng Pasko.

“Kasi marami sa atin, nakakapanoond pagdating ng Pasko lang, e.

“Yung mga bata, kapag Pasko lang nakakapagnumbra kung anong gusto nilang panoorin, e.

"So, we made sure na ito ay puwede sa bata, sa teenagers... all ages.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN