Why Maine Mendoza and Coco Martin can never be in a relationship

IMAGE Noel Orsal

Coco Martin on working with Maine Mendoza: "Pag magbibigay ka ng suggestion sa kanya, makikinig siya, 'tapos mas pagagandahin niya. E, ako, bilib ako sa kanya sa comic timing niya, e. Kayang-kaya na niya yun… siya na gagawa nun."


May big reveal ang Kapuso star na si Maine Mendoza tungkol sa kanila ng Kapamilya actor na si Coco Martin.

Sa grand presscon ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles kahapon, December 6, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Eat Bulaga! co-host tungkol sa posibilidad na ligawan siya ni Coco at maging magkasintahan sila.

Dito na sinabi ni Maine na imposibleng mangyari iyon dahil, sa tunay na buhay, magkamag-anak sila ni Coco.

Saad niya, “Una po sa lahat, para po sa impormasyon ninyong lahat, magkamag-anak po kami ni Coco.

“Opo, distant relatives po kami. Nalaman na po namin, may family reunion po kami sa Bulacan.

"Sa pagkalaki-laki ng family tree, nandito ako [turo niya sa kabilang side] at nandito si Coco [turo niya sa opposite side].

“Opo, nauna po yung reunion kaysa sa start ng movie kaya, una pa lang, yun na ang naging topic namin.

"'Uy, magkamag-anak pala tayo.’ Even yung family ko, natanong ako."

Pinatotohanan din ni Coco ang pahayag ni Maine.

Nangingiting sabi ng Ang Probinsyano star, “Ako nga po, nagulat din ako.

“Nung sinabi sa akin ni Maine yun, tinanong ko yung lola ko, ‘La, may kamag-anak po ba tayo dito sa Bulacan?’

“So yun, nagkatugma-tugma.

"Kaya nung nag-meet kami nung family ni Maine, nahiya naman po ako kasi nga…

“Nahiya po akong mag-approach, pero gusto ko po silang makilala.”

Magpinsan ba sila, magtiyuhin, tiyahin?

Ayon kay Coco, “Actually, malayung-malayo na. Kumbaga sa family tree, sobrang malayo na.

“Pero siyempre pag sa reunion, nagkikita-kita mga magkakamag-anak.”

DYNAMIC COLLABORATION

Ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles ay entry sa Metro Manila Film Festival 2018.

Bukod kina Coco at Maine, bida rin sa pelikula ang veteran comedian-TV host na si Vic Sotto.

Sa unang pagsasama nila sa pelikula, bumilib daw si Maine sa magagandang qualities ni Coco.

Papuri ng Dubsmash Queen sa ABS-CBN Primetime King, “Very gentleman si Coco, mapapadali ang mga eksena mo kasi aalalayan ka palagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga oras na hindi mo kailangang magtanong kasi napapakiramdaman mo na, ‘Ay, tutulungan kita dito,’ which is a very good thing naman.

“Mahihiya kang mag-approach na, ‘Uy, tulungan mo naman ako, ano pa ang gagawin ko?’

“Aside from being a gentleman, sobrang mabait talaga.”

Pinuri rin ni Coco ang pagiging professional ni Maine sa trabaho.

Aniya, “Si Maine, walang kaarte-arte. Kasi yung collaboration, may mga eksena kami dito na…

“Siyempre may makakatrabaho ka na parang may ilangan, lalo na pag first day.

“Kasi may mga intimate scene kami sa mga action scenes.

“Pag nagdidikit yung mga katawan namin, ako, pakikiramdaman mo yung babae.

“Baka mamaya ma-intimidate or whatever. Parang nag-aalangan ka.

“Pero si Maine, wala, mahuhulog yung loob mo sa kanya kasi parang alam mong partner.

“Alam mong pareho kayong dalawa na iisa ang goal—na ayusin natin 'to, pagandahin natin 'to.

“'Tapos nga, pag magbibigay ka ng suggestion sa kanya, makikinig siya, 'tapos mas pagagandahin niya.

“E, ako, bilib ako sa kanya sa comic timing niya, e. Kayang-kaya na niya yun… siya na gagawa nun.

“Kaya nga maganda yung collaboration, maganda yung dynamics naming lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN