Maine Mendoza still gets embarrassed by "Phenomenal Star" tag

IMAGE Noel Orsal

Maine Mendoza says she feels uncomfortable with the praises she receives from his co-actors, like Vic Sotto (left). She explains, "Very surreal pa rin sa akin kung ano ang nakikita ng mga tao sa akin. Ako, nahihiya po ako na ina-acknowledge na ganon ako. Sinasabi ko naman na ako yung unang manlalait sa sarili ko."


Nagpaliwanag si Maine Mendoza sa nararamdamang pagkailang sa tuwing tatawagin siyang "Phenomenal Star."

Sa grand mediacon ng pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles, kapansin-pansin sa facial expressions ni Maine ang pagkailang sa tuwing pupurihin nina Vic Sotto at Coco Martin.

Ginanap ang mediacon sa Cities Events Place noong Huwebes, December 6.

Ang pelikula nina Maine, Vic, at Coco na Jack Em Popoy ay kabilang sa entries sa darating na Metro Manila Film Festival 2018 na magbubukas na sa December 25.

“Siguro po iba yung tingin ko sa sarili ko," simulang paliwanag ni Maine sa pakikipag-usap nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

"Saka very surreal pa rin sa akin kung ano ang nakikita ng mga tao sa akin.

"Ako, nahihiya po ako na ina-acknowledge na ganun ako.

“Parang sinasabi nga nila, yung mga bashers, na ganito, ganyan.

"Sinasabi ko naman na ako yung unang manlalait sa sarili ko. Kasi alam ko yung flaws ko, yung pagkukulang ko.

“Ewan ko po, kasi habambuhay yung ganun, which I think is okey naman, di po ba?

“Kasi it keeps me grounded parang hindi ako nadadala agad sa mga papuri ng mga tao sa akin.

“Ganun din po talaga siguro ang personality ko.”

Pero naka-adjust na ba si Maine sa star stature niya ngayon?

Tugon niya, “In a way po, yes. Kasi tatlong taon na rin po ako [sa showbiz] and every day na rin po akong na-expose sa Barangay."

Ang Barangay na tinutukoy ni Maine ay ang mga lugar o komunidad na dinadalaw niya kasama ang iba pang Eat Bulaga! hosts, kunsaan nakikihalubilo at namimigay sila ng mga papremyo sa mga taong nakatira rito. Bahagi ito ng "Sugod-Bahay" segment ng longest Philippine noontime show.

“So, parang aware na rin ako. Unti-unti ko na rin pong tinatanggap na nandito na po ako sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi noon parang hindi pa ako makapaniwala sa lahat na hindi pa ma-grasp ng utak ko.”

HIGH COMPLIMENTS FROM VIC SOTTO

Kung si Vic ang tatanungin, naniniwala ito na natural actress si Maine.

Sabi ng respetadong komedyante, “Ako kasi paniwala ko, pag ikaw ay talento, tamang himas lang, lalabas at lalabas.

“Ako, hindi mo kailangang i-guide or bigyan ng tips, depende sa eksena.

“Itong si Maine, dahil gusto kong matutunan niya, gusto kong lumabas nang normal, nang natural yung pagiging timing niya sa comedy, yung timing sa drama.

“Yung sa action naman, e, si Coco na ang bahala dun.

“Kasi mas maganda yung nakikita mong nadi-develop yung artista na may sarili siyang kusa.

"Dahil ako naniniwala, itong si Maine, she’s very talented.

“Siguro naman alam niyo kung ano ang naging stepping stone niya sa showbiz, yung Dubsmash?

“Hindi lahat ng tao magagawa nang ganon. Hindi basta-basta.

“Kung wala kang talent, hindi ka sisikat sa ganong paraan. Dun pa lang, alam kong she’s very talented."

Unang nakilala si Maine sa pamamagitan ng phone app na Dubsmash nung 2015, kunsaan sinasabayan niya ang mga sound bite o boses ni Kris Aquino at iba pang sikat na personalities. Naging viral ang Dubsmash video clips niyang ito at naging daan para madiskubre at imbitahin ng Eat Bulaga! para maging bahagi ng programa.

Patuloy ni Vic, "And aside from that, nakita ko na mabait siya, mabait sa kapwa tao.

"Mahiyain lang dati, pero ngayon makapal na 'to! Hindi, talagang mahiyain ito.

"Parang hindi pa rin siya makapaniwala na nasa showbiz na nga siya, marami siyang followers, marami siyang fans.

“Pero nakikita ko, unti-unti nag-i-enjoy na siya, enjoy na enjoy na siya sa kanyang ginagawa.

“Importante yun, e. Hindi yung… sa lahat ng ayoko, nagtatrabaho dahil, 'kailangang ma-establish ako.'

“Hindi, e. For me yung nagtatrabaho ka, nag-i-enjoy ka, happy ka sa ginagawa mo, mahal mo ang ginagawa mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang pinakaimportante at yun ang nakikita ko kay Maine.”

WANTING TO DO MORE

Sinabi naman ni Coco na ramdam niyang parang may interes si Maine sa pagdidirehe.

Nang matanong si Maine tungkol dito, hindi niya ito itinanggi.

Pag-amin niya, “Opo, in the future po, siguro kung mapagbibigyan ng pagkakataon, why not?

“Kasi po masaya rin pong magtrabaho na nag-aaral. Gusto kong magsulat, gusto kong mag-aral.”

Sa kabilang banda, inamin din ni Maine na nangangapa pa rin daw siya pagdating sa acting.

Aniya, “Hindi ko pa rin masasabi na kumportable kasi parang hindi ko alam…

"Parang ini-explore ko pa rin yung world of acting.

“Parang since nag-start ako sa comedy na parang ayoko namang ma-stuck sa ganon.

"Na parang gusto ko ring matuto ng iba, maka-experience ng iba.

"So, nandun pa rin ako sa exploring stage.”

Sinuportahan ni Vic ang pahayag ni Maine.

Ani Vic, “Palagay ko, walang artistang makakapagsabi na kumportable na ako sa ginagawa ko kahit na beterano nang artista.

“Kasi bawat proyekto iba, e. Iba ang magiging atake mo, iba ang magiging personalidad mo.

“Yun ang challenge ng pag-arte. So, palagay ko walang artista ang makakapagsabi na kumportable na ako sa ginagawa ko.

“Kailangan improve-improve.”

Dagdag naman ni Maine, “Ako, lahat siyempre gusto ko i-improve yan. Pero sa ngayon nai-enjoy ko na.

“Dahil dito sa movie namin, nakapag-try na ako ng iba, like action, first time ko din lang naman na gagawin.

“Hindi yung paglukot lang ng mukha, kasi parang gusto ko na rin, as in completely gusto ko nang kumawala doon.

“Parang gusto ko rin na may ibang mai-offer para yung mga viewers, hindi yung puro ganon ang sasabihin, ‘Ay, ayan na naman siya, yun lang kaya niyang gawin.’

“Parang gusto ko, deep inside gusto kong patunayan na meron rin akong kayang gawin bukod sa pagpapatawa, pagwa-wacky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Although yun talaga, yung feeling ko hindi mawawala, yung comedy.

“Feeling ko na yun talaga ang magiging forte ko din, kasi doon ako mas kumportable.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN