Ice Seguerra posts fourth wedding anniversary message for partner Liza Diño

IMAGE @iceseguerra on Instagram

Ice Seguerra posts a long message for Liza Diño on their fourth wedding anniversary. Part of his message reads: "Dahil sa iyo, natuto akong mag lagay ng emoji after my texts para hindi mukhang masungit. Dahil sa iyo, na realize ko na may pagka self absorbed ako at kailangan kong ayusin yun. Na realize ko din na may pagka insensitive ako, dahil sa iyo. Happy 4th wedding anniversary sa iyo mahal. Ikaw ang bestfriend ko at inspirasyon sa lahat."


Ipinagdiriwang nina Ice Seguerra at Liza Dino ang kanilang ika-apat na anibersaryo bilang mag-asawa ngayong Sabado, December 8.

Isang mahabang mensahe ang ipinost ni Ice sa kanyang Instagram account kunsaan idinetalye niya kung anu-ano ang mga natutunan niya mula noong maging magkasintahan sila ni Liza.

Saad ni Ice, "Dahil sa iyo, natuto akong mag pantalon tsaka mag balat na sapatos, mag suot ng coat, long sleeves, neck tie at bow tie. Dahil sa iyo natuto akong maka appreciate ng fine dining, at kumain ng maanghang, Dahil sa iyo, mas naging mabait ako, mas nabawasan ang pagiging pang asar. Dahil sa iyo, napipilitan akong tumayo ng kama at lumabas ng bahay.

"Dahil sa iyo, mas natuto akong pumorma, mag ayos ng sarili, at mag papogi (ang ganda mo kasi kaya dapat mag level up ako). Dahil sa iyo, mas minahal ko ang pamilya ko dahil kitang kita ko ang pagmamahal mo sa kanila. Dahil sa iyo, natuto akong mag pasensiya.N atuto ako na makipagusap ng maayos lalo na kapag bad trip ako."

Ayon pa kay Ice, si Liza rin daw ang nagpa-realize sa kanyang may pagka-"self-absorbed" at "insensitive" siya minsan.

"Dahil sa iyo, natuto akong mag lagay ng emoji after my texts para hindi mukhang masungit. Dahil sa iyo, na realize ko na may pagka self absorbed ako at kailangan kong ayusin yun. Na realize ko din na may pagka insensitive ako, dahil sa iyo.

"Dahil sa iyo, nakita ko na marami rin pala akong dapat ayusin sa sarili ko; mga pagkakamaling dating nagawa o mga bagay na nakasanayan. Dahil sa iyo, gusto kong mas maging mabuting tao.

"Dahil sa iyo, mas naging bukas ako. Nagagawa ko nang sabihin ang mga nararamdaman ko na nasanay na akong itago. Dahil sa iyo, na realize ko yung worth ko bilang individual at bilang ka relasyon. Nag karoon ako ng boses at nirespeto mo yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Panatag din ang loob ni Ice na lagi siyang may kasama sa buhay dahil kay Liza.

"Dahil sa iyo, nawala yung takot ko na kapag nag aaway tayo, laging mauuwi sa hiwalayan; na pwede palang sabihin ang nararamdaman na hindi kailangan matakot na bigla akong iiwanan.

"Dahil sa iyo, buhay na buhay ako. At sa mga panahon na hindi ko kakampi ang buhay, makakaasa akong nandiyan ka.

"Dahil sa iyo, hindi na ako iiyak mag isa at lagi na akong may kasamang tumawa. Kung sino ako ngayon at bukas, ito ay dahil sa iyo."

Sa huli, sinabi ni Ice na si Liza ang inspirasyon niya sa buhay.

"Happy 4th wedding anniversary sa iyo mahal. Ikaw ang bestfriend ko at inspirasyon sa lahat. #misteratmisiszaza"

View this post on Instagram

Dahil sa iyo, natuto akong mag pantalon tsaka mag balat na sapatos, mag suot ng coat, long sleeves, neck tie at bow tie. Dahil sa iyo natuto akong maka appreciate ng fine dining, at kumain ng maanghang, Dahil sa iyo, mas naging mabait ako, mas nabawasan ang pagiging pang asar. Dahil sa iyo, napipilitan akong tumayo ng kama at lumabas ng bahay. Dahil sa iyo, mas natuto akong pumorma, mag ayos ng sarili, at mag papogi (ang ganda mo kasi kaya dapat mag level up ako). Dahil sa iyo, mas minahal ko ang pamilya ko dahil kitang kita ko ang pagmamahal mo sa kanila. Dahil sa iyo, natuto akong mag pasensiya. Natuto ako na makipagusap ng maayos lalo na kapag bad trip ako. Dahil sa iyo, natuto akong mag lagay ng emoji after my texts para hindi mukhang masungit. Dahil sa iyo, na realize ko na may pagka self absorbed ako at kailangan kong ayusin yun. Na realize ko din na may pagka insensitive ako, dahil sa iyo. Dahil sa iyo, nakita ko na marami rin pala akong dapat ayusin sa sarili ko; mga pagkakamaling dating nagawa o mga bagay na nakasanayan. Dahil sa iyo, gusto kong mas maging mabuting tao. Dahil sa iyo, mas naging bukas ako. Nagagawa ko nang sabihin ang mga nararamdaman ko na nasanay na akong itago. Dahil sa iyo, na realize ko yung worth ko bilang individual at bilang ka relasyon. Nag karoon ako ng boses at nirespeto mo yun. Dahil sa iyo, nawala yung takot ko na kapag nag aaway tayo, laging mauuwi sa hiwalayan; na pwede palang sabihin ang nararamdaman na hindi kailangan matakot na bigla akong iiwanan. Dahil sa iyo, buhay na buhay ako. At sa mga panahon na hindi ko kakampi ang buhay, makakaasa akong nandiyan ka. Dahil sa iyo, hindi na ako iiyak mag isa at lagi na akong may kasamang tumawa. Kung sino ako ngayon at bukas, ito ay dahil sa iyo. Happy 4th wedding anniversary sa iyo mahal. Ikaw ang bestfriend ko at inspirasyon sa lahat. #misteratmisiszaza #dahilsayoseries

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra) on

December 8, 2014 nang ikasal si Ice at Liza sa Stones & Flowers Barn and Wedding Retreat sa Sunny Patch Lane, California.

Noong January 10, 2015, nagkaroon naman ng second wedding sina Ice at Liza sa pamamagitan ng isang "symbolic ceremony" na ginanap sa Batangas.


Stories We Are Tracking

<p>Aiza Seguerra and Liza Diño wed for the second tim

Aiza Seguerra and Liza Diño wed for the second tim

<p>Aiza-Liza wedding has blessing of parents</p>

Aiza-Liza wedding has blessing of parents

<p>Liza to bashers of marriage to Aiza:

Liza to bashers of marriage to Aiza: "Leave us alone!&

<p>Aiza Seguerra and Liza Diño tie the knot in the US

Aiza Seguerra and Liza Diño tie the knot in the US



ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN