Kinoronahan bilang Miss World 2018 ang kandidata ng Mexico na si Vanessa Ponce de Leon.
Ipinasa ni Miss World 2017 Manushi Chhillar ang korona kay Vanessa sa ginanap na coronation night ngayong Sabado ng gabi, December 8, sa Sanya, China.
Itinanghal naman bilang first-runner up si Miss Thailand Nicolene Pichapa Limsnukan.
Kasama nilang nag-compete sa Top 5 semi-finals sina Maria Vasilevich ng Belarus, Kadijah Robinson ng Jamaica, at Quiin Abenakyo ng Uganda.
Silang lima rin ang bumuo sa Continental Queens of Beauty, kung saan nagtanghal ang pageant ng isang Miss World winner sa bawat kontinenteng kalahok sa Miss World 2018.
Miss World Europe: Belarus, Maria Vasilevich
Miss World Caribbean: Jamaica, Kadijah Robinson
Miss World Americas: Mexico, Vanessa Ponce de Leon
Miss World Africa: Uganda, Quiin Abenakyo
Miss World Asia and Oceania: Thailand, Nicolene Pichapa Limsnukan
Ang kandidata naman ng Pilipinas na si Katarina Rodriguez ay nabigong makapasok sa Top 30.