Anne Curtis irked by persistent baby-related questions

IMAGE Noel Orsal

Anne Curtis can't help but feel peeved when badgered with baby-related questions: "I think, that's a very private question again. But you know what, it will happen in God's time and when it happens, I'm gonna share it with everyone."


Tila sensitibo pa rin si Anne Curtis kapag tinatanong siya kung kailan sila magkaka-baby ng kanyang mister na si Erwan Heussaff.

Dahil kakagaling lang nila mula sa kanilang isang buwang honeymoon sa Africa, hindi maiwasang tanungin ng ilang miyembro ng entertainment press kung kailan nila planong magkaroon ng baby.

Tila paiwas niyang sagot, “I think, that’s a very private question again.

“But you know what, it will happen in God’s time and when it happens, I’m gonna share it with everyone.”

Natawa na lang si Anne sabay hirit ng, “Super private naman yun,” nang ang isinunod na tanong dito ay kung may nabuo raw kaya sa halos isang buwan na honeymoon nila ni Erwan sa Africa.

Muli niyang sagot, “Super private naman yun.

“Basta we enjoyed in Africa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anne sa grand mediacon ng bagong pelikula niyang Aurora na ginanap sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City noong December 7.

CATCHING UP ON WORK

Ngayong Kapaskuhan, dito lang daw siya sa bansa kasama ang kanyang mister.

Kailangan din daw niyang bumawi sa trabaho dahil isang buwan din siyang nawala.

Pero kung sakali at mabibigyan ng pagkakataon na magbakasyon muli, gusto naman daw niya na magpunta ng Iceland at Antartica.

Lahad niya, “Siyempre, we’re both adventurous so gusto rin naming mapuntahan yung mga lugar na yun na kakaiba ang experience.”

NO PRESSURE

Isa sa official entries sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikulang Aurora na produced ng VIVA Films at Aliud Entertainment at sa direksiyon ni Yam Laranas.

Bukod kay Anne, marami pang malalaking artista ngayon na may pelikula sa MMFF, tulad nina Vice Ganda, Vic Sotto at Coco Martin.

May nararamdaman na ba siyang pressure pagdating sa box-office?

Pag-amin niya, “Noong una, inisip ko yun.

“Pero parang being part of different festivals this year with all my films, parang you don’t think about it anymore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You just enjoy the ride na lang.”

Sabi pa niya, “Basta ako, I think I did a really good film kaya sana panoorin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN