Coco Martin on "intimate" scenes with Maine Mendoza: "Walang kaarte-arte."

IMAGE Noel Orsal

Coco Martin on Maine Mendoza: "Kasi, may mga intimate scenes kami dito, lalo na yung mga action scenes, siyempre, minsan nagkakadikit yung katawan namin. Ako,pakiramdaman mo yung babae, dahil baka mamaya ay ma-intimidate o whatever, di ba? Parang nag-aalangan ka. Pero, si Maine, wala."


Ano ang masasabi ni Coco Martin sa Jack Em Popoy:The Puliscredibles leading lady niyang si Maine Mendoza?

“Si Maine kasi, walang karate-arte," bungad ng Kapamilya actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment writers sa presscon ng Jack Em Popoy na ginanap sa Cities Events Place nung Huwebes, December 6.

“Napaka-professional niya, ‘tapos yung collaborations...kasi, may mga eksena kami dito na...

“Siyempre, may mga makakatrabaho ka na mararamdaman mo yung ilangan, lalo na first time niyo."

First time na nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang ito na isa sa walong entries sa darating na Metro Manila Film Festival 2018. Kasama rin nila sa pelikulang ito na dinirek ni Mike Tuviera para sa APT Entertainment, CCM Films at M- Zet Productions, si Vic Sotto.

Patuloy ni Coco, “Kasi, may mga intimate scenes kami dito, lalo na yung mga action scenes, siyempre, minsan nagkakadikit yung katawan namin.

“Ako,pakiramdaman mo yung babae, dahil baka mamaya ay ma-intimidate o whatever, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang  nag-aalangan ka. Pero, si Maine, wala.”

Dugtong pa ni Coco, “Mahuhulog yung loob mo sa kanya, kasi nga partner.

“Alam mong pareho ang goal niyo na ayusin ito. pagandahin natin ito.

“’Tapos yun nga, magbibigay ako ng suggestions sa kanya, makikinig siya.

“Pagagandahin niya.”

MAINE'S COMIC TIMING

Isa pa nga raw sa nagpahanga sa kanya sa Eat Bulaga! mainstay ay ang galing din nito sa pagkuko-comedy.

Aniya, “Bilib ako sa comic timing niya, e.

“Anytime na bibigyan mo siya ng ano, kayang-kaya na niya yun.

“Siya na yun, siya na ang gagawa nun.

“Kaya, maganda yung collaboration, maganda yung dynamics namin.”

WORKING WITH BOSSING

Samantala, napalaki ng pasasalamat ng Kapamilya actor sa kanyang network dahil pinayagan siya na makatrabaho ang mga taga-Kapuso network lalung-lalo na si Vic Sotto.

Saad ng 37-year-old actor-director, “Sabi ko nga, nagpapasalamat ako sa ABS-CBN na pinayagan nila ako, kasi nga pinaglaban ko talaga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinabi ko na sana ay pagbigyan nila ako.

“Isang pangarap lang na makatrabaho ko talaga si Bossing [palayaw ni Vic].

“From ABS, ako na rin ang makipagtrabaho sa kanila, kina Bossing at saka kay Mr. T [Tony Tuviera, big boss ng APT Entertainment Inc.].

“Honestly, sabi ko, sobrang sarap ng experience kasi, napakagaan po nilang lahat na katrabaho.

“Sabi ko nga po, kaya napakahaba ng Eat Bulaga! kasi, ang pagturing nila sa mga katrabaho nila ay pamilya.

“Lahat po ng kasama namin dito sa production—staff and crew—sobrang bait, maalaga.

“First day pa lang namin, nagulat ako, maalaga lahat.

“Maglu-look forward ka talaga na sana ay mahaba mo pa silang makatrabaho.”

Wish pa ni Coco na muli silang magkasama nina Maine at Vic sa iba pang proyekto, kung di man sa part two ng pelikulang ito na ipapalabas na sa December 25.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN